in

Roxanne Barcelo, Ipinakita Na Ang Mukha Ng Kanyang Asawang Foreigner

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa unang pagkakataon, pormal ng ipinakilala ni Roxanne Barcelo sa publiko ang kanyang asawa na isang foreigner. Ipinasilip na ni Roxanne ang mukha ng kanyang asawa na matagal rin niyang hindi ipinakita sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta.

Source: Roxanne Barcelo Instagram

Makalipas nga ang halos isang taon na pagtatago ni Roxanne ng mukha ng kanyang asawa sa wakas na-face reveal na rin ng aktres ang mukha nito. Kung matatandaan nga na sa tuwing magbabahagi si Roxanne ng mga larawan nila ng kanyang asawa ay sinasadya niyang hindi ipakita ang mukha ng kanyang asawa.

Kahit noong sila ay ikinasal hindi nag-post si Roxanne ng larawan kung saan makikita ang mukha ng kanyang mahal na asawa. Madalas niya itong kasama sa mga larawan ngunit wala pa rin itong face reveal. Minsan naman ay boses lamang ang maririnig nito sa mga background ng mga video post ng aktres sa kanyang Instagram stories.

Source: Roxanne Barcelo Instagram

Kaya naman nito lamang December 22, 2021 sa kanya mismong Instagram post, ay ipinakilala na niya si ‘Jiggs’ sa publiko.

Nagbahagi si Roxanne ng kanilang isang family picture kung saan ito ay may caption na,
“When I pray for happiness, the heavens bless me with true joy and love. You are worth the wait. It is my honor and privilege to be your wife, Jiggs.

Source: Roxanne Barcelo Instagram

“I am forever grateful for the day you asked me to start a family with you. Thank you for your unconditional love. I love and adore you and babycinco with all that I am.”

Ayon kay Roxanne, labis ang kanyang kasiyahan dahil biniyayaan siya ng isang mapagmahal na asawa. At sobrang proud si Roxanne bilang maybahay ng kanyang asawang si Jiggs.

Source: Roxanne Barcelo Instagram

Talaga nga namang hindi maikakaila kung gaano ito kagwapo, na kahit sino nga namang babae ay mapapatingin sa lakas ng dating nito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

3,500 Na Puhunan, Napalago Ng Isang Single Mom Na Umabot Ng 3.4 Million Pesos Sa Loob Lamang Ng Isang Taon

Matteo Guidicelli, May Kakaibang Ice Bath Routine Tuwing Pagkatapos Nito Magwork-out