in

LOLLOL CuteCute OMGOMG CryCry AngryAngry LoveLove WTFWTF

Lalaking Umorder Ng Pustiso Online Kinatuwaan Ng Netizens Dahil Sa Abot Langit Nitong Ngiti

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nauuso ngayong panahon ang pag-order natin ng mga produkto online. Dahil dito hindi mo na kailangan pang lumabas para maghanap at pumili, higit sa lahat instant pa ang delivery services. Ngunit sa ating pagbili online ng mga bagay na kailangan natin hindi naman natin ito aktwal na nasusukat bagkus nakabase na lang tayo sa sukat na mayroon ang isang online shop.

Kagaya na lamang ng isang lalaking nag-viral online ang kanyang pagkadismaya sa isang online shop na kanyang pinagbilhan lang naman ng kanyang pustiso. Sa post ng lalaking ito na kinilalang si Weng Barbadillo Formentera, ibinahagi niya ang isang larawan ng isang netizen na suot ang nabiling pustiso nito sa online shopping na Shopee.

Source: Weng Formentera

Ayon sa post, nagpapasalamat umano ito dahil dumating na ang inorder niyang pustiso ngunit naging katuwaan ito sa social media dahil ang kanyang pustisong nabili ay hindi akma sa kanyang bunganga. Ito ay matapos niyang isukat at magposing ng kanyang abot langit na ngiti. Tila naging isang mahiwagang smile ng gamitin niya ang kanyang pustiso.

Source: Weng Formentera

Kaya naman kahit hindi napigilan ang magkahalong tuwa at pagkadismaya ng netizen na ito, naghatid naman ito ng saya sa mga netizens. Dahil sa larawan napawi ang lungkot na nararamdam ng iba dahil sa hatid nitong katatawanan ng kanyang bahagyang kalakihan at pagiging tabingi ng kanyang pustiso.

Narito ang iilan sa nakakatuwang mga komento:
“Mawalang galang na po dapat po sa dentist ang pustiso Di po inoorder baka ho used na yan”
“Hightech na talaga ngayon pati pustiso sa online na bibilhin ,ayan tuloy mas malaki pa ata ang inorder mong pustiso kaysa baba mo..”

Source: Weng Formentera

“Sa dentista kc khit medyo me problema nagagawan ng paraan,,e jn sa online wala pati pera mo ndi nila isosoli.ayan tuloy nangyari sau”

Source: Weng Formentera

Samantala kahit na kaliwa’t kanan ang naging biruan nito ay marami pa rin ang nagbigay ng nagpapaalala na siguraduhin umano ang mga binibili online lalo pa’t kahit ang mga masesel@ng bagay ay maaari na ring mabili online.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Wendell Ramos, Personal Na Binigyan Ng Negosyong Pangkabuhayan Ang Viral Na Lolo Na Si Lolo Nardo

Katrina Halili, Single Pa Rin Pero Nanatiling Blooming!