in

Wendell Ramos, Personal Na Binigyan Ng Negosyong Pangkabuhayan Ang Viral Na Lolo Na Si Lolo Nardo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Matapos ang nangyaring pagpap@kul0ng sa 80-taong gulang na si lolo Nardo nang dahil lamang sa puno ng manga, marami ang mga taong tumulong sa kanya. Ang nangyaring ito kay Lolo Nardo, ay talagang nag-viral sa social media dahil inulan ito ng samu’t-saring mga reaksyon ng mga netizens lalo na ang mga netizens na talagang nanggal@iti sa g@lit.

Source: Wendell Ramos Instagram

Maliban sa mga taong may mabuting puso na tumulong sa matanda upang ito makalaya, hindi rin nagpahuli sa pagtulong ang mga kilalang celebrities. At isa na nga rito ang GMA actor na si Wendell Ramos, sa naging kalagayan ni lolo Nardo hindi napigilan ng aktor na tulungan ito.

Source: Wendell Ramos Instagram

Talaga ng namang nakakamangha ang kanyang ginawang pagtulong kay lolo Nardo dahil niregaluhan niya lang naman ito ng isang negosyong pangkabuhayan. Sa tulong na rin ng ibang negosyante na kanyang kasama kung saan ito ay ang iFRANCHISE Company, OFW Family Club, Inc. at WenDeli Meathouse, ay kanilang binigyan ng pagkakakitaan ang matanda.

Ang pangkabuhayang negosyong ito ay isang food cart at pinangalanan itong ‘Lolo Nardo’s Store’. Kalakip nito ay ang mga meat products mula mismo sa negosyo ni Wendell at bukod pa rito ay kanila ring inabutan ng tulong pinansyal si lolo Nardo upang pangdagdag puhunan at panimula nito sa kanyang negosyo.

Source: Wendell Ramos Instagram

Ibinahagi naman ng aktor ang kanyang personal na pagtulong sa matanda sa kanya mismong Instagram account.

Aniya pa sa caption ng kanyang post,
“Mission accomplished! LOLO NARDO’s dagdag KABUHAYAN, munting mga REGALO at NEGOSYO mula po saamin ng @ifranchise.bscorp , @ofwfamilyclub at @wendeli_meathouse”
“Ang @wendeli_meathouse , @ifranchise.bscorp kasama ng aming -CEO @krish_official2022 at sa lahat ng bumubuo ng @ofwfamilyclub..kami po ay nagpapasalamat sa DIYOS AMA.. unang una sa lahat. At sa mga taong patuloy na sumusuporta at nag tatangkilik sa aming mga negosyo. Kayo po ang dahilan kaya ang dahilan kaya nagagawa namin ang patuloy na balik tanaw para sa mga kapwa natin katulad po ni LOLO NARDO.”

Source: Wendell Ramos Instagram

“Umasa po kayo na ang @igivebyifranchise foundation po namin ay patuloy at mananatiling tutulong sa abot po ng aming makakaya. Maraming Salamat po sa inyong lahat.. #togodbetheglory”


Umani naman ng papuri si Wendell mula sa mga netizens, dahil sa kabutihang loob na kanyang ipinamalas kay lolo Nardo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Mga Sikat Na Celebrities Na Ibinebenta Ang Kanilang Mga Magagandang Bahay

Lalaking Umorder Ng Pustiso Online Kinatuwaan Ng Netizens Dahil Sa Abot Langit Nitong Ngiti