in ,

OMGOMG LoveLove CuteCute

Kilalanin Ang Mga Sikat Na Celebrities Na Ibinebenta Ang Kanilang Mga Magagandang Bahay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang ating mga sikat na celebrities ay maraming naipupundar na mga ari-arian at isa na nga rito ang pagkakaroon ng malaki at nag-gagandahang mga bahay. Ito rin ang isa sa mga milestone ng kanilang buhay ang pagkakaroon ng sariling eleganteng tahanan. Ngunit, sa paglipas nga ng maraming taon may mga iilang mga celebrities ang nagpasya na ibenta ang kanilang mga napundar na mga tahanan.

  1. SEN. MANNY AND JINKEE PACQUIAO

Ang Forbes Park Mansion ng mag-asawang Senator Manny Pacquiao at Jinkee Pacquaio ang nangungunang sikat na TV personality na may magara at eleganteng bahay na nagkakahalaga ang pagkakabenta sa halagang PHP2.3 billion.

Source: Google

Ito ang “Zen-Inspired Luxury Mansion” na tahanan ng mga Pacquiao na may kabuuang 1,525 square meters ang lawak. Mayroon itong 5 bedrooms, 7 bathrooms, bagong renovated na pool area, malawak na garden at marami pang amenities. Nabili ito ng mag-asawa sa halagang PHP388 million noong 2011 at ito ay kanilang nabili ng cash basis.

  1. JAMES REID

Ang singer-actor naman na si James Reid ay ibinebenta na ang kanilang multi-million peso house sa Quezon City. Ito ang kanilang bahay ng sila ay nagsasama pa noon ng kanyang ex-girlfriend na si Nadine Lustre. Noon lamang October 24, 2021 nagbahagi si James ng mga larawan ng kanyang bahay sa social media upang ito ay ibenta at hanggang ngayon wala pa ring nakakabili nito.

Source: James Reid Instagram

Ang magarang bahay ng aktor ay may kabuuang sukat na 1,000-square meter lot sa Loyola Grand Villas, Katipunan. Mayroon itong 3 palapag, 7 bedrooms, 2 kitchens, at 6 na car garage at ito ay nagkakahalaga ng PHP82 million.

  1. ZSAZSA PADILLA AND CONRAD ONGLAO

Ibinebenta rin ng singer-actress na si Zsa Zsa Padilla at ng kanyang partner na si architect Conrad Onglao’s ang kanilang Modern Asian home. Ang mansion ay kasalukuyang nagkakahalaga ng USD6,682,425 o humigit-kumulang PHP335,725,032 sa jamesedition.com, isang luxury marketplace para sa real-estate property sa buong mundo. Mayroon itong kabuuang sukat na 1,386 metro kuwadradong 3 palapag na ngayon ay nasa San Lorenzo sa Makati City. Mayroon itong 4 na maluluwag na mga bedrooms at 4 bathrooms.

Source: Google
  1. ENRIQUE GIL

Noong Disyembre 2019, sa pamamagitan ng panayam ng PEP.ph, kinumpirma ng aktor na si Enrique Gil ang plano niyang ibenta ang kanyang 5 palapag na beach property sa Anilao, Batangas. At ito ay nagkakahalaga ng PHP80 milyon.

Source: Google

Paliwanag ng aktor, “That’s way worth more than the… mga bahay sa BF. Kasi kapag tapat ng dagat talaga, mataas ang presyo nun.”

“Kaya sabi ko, oras na para ibenta ito para marami pa tayong negosyo.”

  1. JAMILL

Ang mga YouTube influencer naman na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, na mas kilala bilang JaMill, ay naiulat na nagtayo ng kanilang bahay para ibenta kasunod ng pagkawala ng kanilang channel sa YouTube. Nakatayo ang kanilang 2 palapag na bahay na may kabuuang sukat na 450-square meter na nasa Gapan, Nueva Ecija.

Source: Google

Una nilang ipinost ang tungkol dito sa kanilang mga social media account noong December 2019. Kaya naman noong Agosto 26, 2021, isang netizen ang nagsabi na ipost ito ng dalawa sa Facebook Marketplace para maibenta. Ang naturang bahay na ito ay may 3 malalaking bedrooms, 1 master’s bedroom, 4 bathrooms, 1 malaking pool at marami pang amenities.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Lolit Solis, Ibinahaging Si Marian Rivera Ang Nagbayad Ng H0spital Bills Ni Boobay

Wendell Ramos, Personal Na Binigyan Ng Negosyong Pangkabuhayan Ang Viral Na Lolo Na Si Lolo Nardo