in

Ryzza Mae Dizon, Nagbahagi Ng Mga Litrato Para Sa Ipinapagawang Dream House

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang paborito nating si Aling Maliit na kinagiliwan ng lahat sa telebisyon at napakacute sumayaw ng cha cha, ay nagpapagawa na ng bahay ngayon.

Source: YouTube

Si Ryzza Mae Dizon o kilala bilang Aling Maliit ay nakilala sa patimpalak na Little Miss Philippines. Ito ang naging daan upang makilala siya at makapasok bilang host ngayon ng noontime show na Eat Bulaga.

Hindi lamang cute kundi wais din si Ryzza dahil unti-unti na nitong natutupad ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya. Kung noon ay nais lamang nito makatulong sa pamilya ngayon ay nagpapatayo na ito ng bahay.

Source: YouTube

Bagamat dalaga na si Aling Maliit ay nananatili itong down to earth at mapagmahal sa pamilya. Siyempre, hindi rin nito ipinagkait na maibahagi ang mga pictures mula sa kanyang ipinapagawang bahay.

Source: YouTube

Nagpost ng vlog si Ryzza kung saan ay itinu-tour niya ang kanyang viewers sa site kung saan ginagawa ang kanilang Dream house. Mapapansin na modern ang disenyo para sa bahay at ipinakita din ni Ryzza ang kanyang kwarto. Aminado naman ito na talagang pinaganda niya ang sariling kwarto.

Maliban sa pagpapatayo ng bahay ay natulungan ni Ryzza na makapag-aral ang kanyang mga kapatid. Mapapansin din na bibo pa din si Ryzaa at madalas magpangiti sa viewers nito. Marami namang netizens ang humahanga dito dahil sa dami ng accomplishments nito bagamat bata pa lamang.

Source: YouTube

Isa sa mga netizens ay nagiwan ng komentong, “Congrats Ryzza Mae Dizon galing talaga, deserve mo yan.”

“Totoo yan c ryza ngpaginhawa sa pamilya nta siksik ligkig umaapqw na ang biyaya ke ryza congrats.”

Source: YouTube

“Congrats Ryza you have a good heart dahil ikaw nagbigay ng maganda g buhay sa family mo keep it up be humble always nasubaybayan kita since sumali k sa ms little Phil. Sana makatapos k ng study mo pati mga kapatid mo gbu all lve u aling maliit.” Marami ang nainspire sa achivements ni ryzaa at sa pagtulong nito sa kanyang pamilya. Sa ngayon ay nananatili itong parte ng Eat Bulaga family at nagbibigay saya sa mga viewers.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ethel Booba, Namahagi Ng Biyaya Para Sa Mga Kababayan Nating Aeta Para Sa Kanyang 1M Youtube Subscriber Celebration

Lolit Solis, Ibinahaging Si Marian Rivera Ang Nagbayad Ng H0spital Bills Ni Boobay