in

OMGOMG

Lolit Solis, Ibinahaging Si Marian Rivera Ang Nagbayad Ng H0spital Bills Ni Boobay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang kilalang radio host at kolumnistang si Lolit Solis, ay muli na namang nagbigay ng kanyang mga opinyon patungkol sa mga artistang hindi umano pinangangalandakan sa publiko ang mga nagawang tulong ng mga ito.

Source: Marian Rivera Instagram

Sa mismong Instagram post ni Lolit, kanyang pinuri ang award-winning actress na si Marian Rivera na kung saan ang aktres ang nagbayad ng naging h0spital bills ni Boobay.

Source: Boobay Instagram

Ayon sa kolumnista, kanya umanong tinutukoy ang mga taong nagbibigay ng tulong sa iba na hindi na kailangan pang ipagsabi sa social media. Isa pa sa mga naging halimbawa niya ay ang aktres na si Marian na talaga nga namang may mabuting puso. Dagdag pa niya sa taong halimbawa ay sina Billy Crawford at Angel Locsin, na may butihing puso na tumutulong sa kanilang kapwa.

Source: Lolit Solis Fb Page

Kaya naman sa Instagram account ng kolumnista kanyang ipinagmamalaki ang mga artistang tumutulong na hindi na kailangan pang ipagkalat sa social media upang mapansin. Labis ang kagalakan ni Manay Lolit sa tulong na ginawa ni Marian kay Boobay nang siya ang nagbayad ng lahat ng gastusin ni Boobay sa ospital. Hindi na rin nabanggit pa ni Manay Lolit kung magkano ang halaga ng pagpapa-ospital sa komedyante.

Source: Marian Rivera Instagram

Aniya, “Mga tulong na hindi ipinakita, ipinaalam, ibinalita at pinakunan ng photos. Kasi nga para bang iyon natitira mong konting dignity sa katawan parang nawala na pag nakita o ipinakita na inaabutan ka.”

“Hindi ba ang gandang basta na lang sinabi ni Boobay na si Marian Rivera ang nagbayad sa hospital bills niya?”

Source: Marian Rivera Instagram

Isa pa sa naging isang halimbawa niya ay ang ginawang pagbigay ni Billy Crawford ng Php150,000 sa mga taong nangangaroling nito lamang nagdaang kapaskuhan.

Saad pa niya, “Puwede naman gawin iyon ng hindi kailangan ibalita pa…Tindig balahibo ka pag ganuon. Hindi iyon maingay na nagbigay na kung minsan sa sponsor galing, o kaya naman sinasabi pang sa sarili niyang bulsa. Pag tumulong ka at mula sa puso, hindi kailangan malaman pa ng iba.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ryzza Mae Dizon, Nagbahagi Ng Mga Litrato Para Sa Ipinapagawang Dream House

Kilalanin Ang Mga Sikat Na Celebrities Na Ibinebenta Ang Kanilang Mga Magagandang Bahay