in

OMGOMG LoveLove

Iya Villania, Ibinahagi Ang Groundbreaking Ceremony Ng Lote Para Sa Kanilang Future Home

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang bagong milestone para sa pamilyang Arellano ang ibinahagi ng Kapuso Actress na si Iya Villania sa kanyang social media account. Tulad ng marami ay isa sa pangarap ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano ang magkapagpatayo ng sariling bahay para sa kanilang growing family.

Source: Iya Villania Instagram

Ibinahagi ni Iya ang isa sa mga especial moments ng pamilya, ang kanilang ground breaking ceremony. Mula sa kanilang hard earned money ay nagawa ng mag-asawa na makabili ng ganitong properties para sa kanilang pamilya.

Source: Iya Villania Instagram

Sa pagkukuwento ni Iya, ito umano ang kauna-unahang pagkakataon para sa pamilya na makapag ground breaking ceremony sa kanilang future home. Nagsaad din si Iya ng malaking pasasalamat sa Panginoon para sa mga blessings na patuloy na natatamo nila sa kanilang buhay.

Source: Iya Villania Instagram

“Today was a special day, a first for our family. Thank you, Lord. #groundbreaking @ikoniqconstruction @ikoniqdesignstudio.”

Makikita sa pictures na ibinahagi ni Iya na bawat miyembro ng pamilya ay may hawak na golden pala. Pati ang mga chikiting ay hindi maitago ang saya para sa milestone na ito ng pamilya. Maliban sa golden pala ay may suot na putting hard hat silang lahat pati na rin ang kids. Mayroon ding pulang ribbon na nakatali sa kanilang mga pala at looking proud at happy ang buong pamilya.

Source: Iya Villania Instagram

Maging ang mga netizens ay masaya para sa pamilyang Arellano. Hindi maitatanggi na maraming fans ang celebrity couple sa mundo ng showbiz, maging si Drew Arellano na kilala sa palabas nito sa GMA na, ‘Byahe ni Drew’.

Source: Iya Villania Instagram

Inulan ng papuri ang post ni Iya tulad ng comentong ito mula sa Instagram user, “Congrats miss Iya and family you deserve all the blessings with fam.”

Source: Iya Villania Instagram

“One of the greatest blessings we can offer to the world is the power of a Christ Centered home, where the gospel is taught, covenants are kept, and love abounds. Sending hugs!”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating PBB Housemate Na Si Seth Fedelin, May Chance Na Maging Future Heartthrob

Ethel Booba, Namahagi Ng Biyaya Para Sa Mga Kababayan Nating Aeta Para Sa Kanyang 1M Youtube Subscriber Celebration