in

Ethel Booba, Namahagi Ng Biyaya Para Sa Mga Kababayan Nating Aeta Para Sa Kanyang 1M Youtube Subscriber Celebration

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami na ang buhay na nabago ng pagiging vlogger kaya naman ay hindi na rin kataka-taka na marami ang nagsusulputan na vlogger sa ating bansa. Isama pa dito ang charming personality ng mga Pinoy ay tiyak na success ang patutunguhan ng mga ito.

Source: Ethel Booba Instagram

Isa sa mga sikat na vlogger sa bansa ang commedianne-actress na si Ethel Booba. Bago pa man nito pasukin ang pagiging vlogger ay sikat na artista na ito at kilala sa kanyang funny at charming personality. Madalas na good vibes ang pinapakita ni Ethel Booba sa kanyang vlogs kaya naman ay marami ang nahuhumalig manood nito.

Source: Ethel Booba YouTube

Para sa kanyang selebrasyon sa pagkamit ng 1M YouTube subscribers ay nagpasya si Ethel Booba na magsagawa ng ayuda drive para sa mga kababayan nating Aeta. Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang kahirapan na dulot ng p@ndemya.

Source: Ethel Booba YouTube

Namahagi sila ng pagkain para sa mga katutubong Aeta, at mula sa mga pictures ng event ay marami ang natulungan nila. Kasama ni Ethel sa event ang kanyang asawang si Chef Jessie na tumulong magorganize at mamahagi ng pagkain.

Source: Ethel Booba YouTube

Ipinapaalala naman ni Ethel na hindi niya ito ibinahagi upang magyabang kundi upang magsilbing ehemplo at inspirasyon sa iba na mayroon tayong mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Maging sa simpleng pamamaraan lamang ng pagshare ng blessings ay nakakapagbigay saya at ginhawa sa kanila.

Source: Ethel Booba YouTube
Source: Ethel Booba YouTube

Bilib na bilib din ang mga netizens sa ginawang kabutihan ni Ethel Booba. Isa sa mga ito ay nag-iwan ng mensahe sa kanya, “Hello ate Ethel! Naiinspire talaga ako sa buhay mo ngaun… dati umiiyak kang nakikita kita dahil sa mga ex mong iniwan ka… pero ngaun ang saya mo na… stay strong lang po kau ni kuya Jessie… bihira lng po sa lalaki ang ganyan… God Bless your family ate.”

Source: Ethel Booba YouTube

Mula din sa isang netizen, “Congrats! It’s heart warming to see people like you sharing your gifts to our IPs brothers and sisters! May you be continually blessed!”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Iya Villania, Ibinahagi Ang Groundbreaking Ceremony Ng Lote Para Sa Kanilang Future Home

Ryzza Mae Dizon, Nagbahagi Ng Mga Litrato Para Sa Ipinapagawang Dream House