in

Dating PBB Housemate Na Si Seth Fedelin, May Chance Na Maging Future Heartthrob

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang dating PBB housemate na si Seth Fedelin ay kilala ngayon sa mundo ng showbiz dahil sa ito sa mga bagong mukha ng industriya. Bukod sa napaka-gwapo nitong mukha ay mahusay din ito sa pag-arte.

Source: Seth Fedelin Instagram

Sa katunayan, kasalukuyan ngayon si Seth gumagawa ng kanyang sariling pangalan sa entertainment industry. Kabilang na dito ang pagiging miyembro niya ng ‘Gold Squad’ kasama ang mga bagong batang artista na sikat rin sa kanilang kanya-kanyang angking galing sa pag-arte.

Source: Seth Fedelin Instagram

Samantala, bukod sa kanyang pagiging gwapo tinangkilik rin si Seth dahil sa kanyang talento. Kaya naman hindi nakapagtataka na sa kanyang pagsikat maituturing na siyang isa sa mga future heartthrob ng showbusiness.

Mula sa kanyang mga physical features kagaya na lamang ng kanyang napakagandang mata na kulay hazel brown, magandang kutis, cute na buhok, at higit sa lahat ang kanyang nakapa-husay niyang pumorma ng kanyang mga kasuotan. Kaya naman talagang malaki ang tiyansa na siya ay maging isang heartthrob sa entertainment industriya sa hindi kinalaunan ng kanyang karera.

Source: Seth Fedelin Instagram

Marami nga ang nagtatanong kung siya ba ay may lahing dugong banyaga dahil sa hitsura nito na parang foreigner, ngunit ang binata ay isang purong pinoy. Pero may posibilidad naman na sa kanyang ninuno katulad na lamang ng kanyang lolo o lola ay may ibang lahi.

Sa kanyang napakamurang edad marami na siyang napagdaanan at natutunan tungkol sa kung gaano kahirap ang magkaroon ng pamilya. Ang kanyang pagiging panganay sa kanilang apat na magkakapatid ang nag-udyok sa kanya upang tumulong sa mga gastusin sa kanilang bahay matapos ang kanyang tatay ay magkaroon ng hindi inaasahan na karamdaman.

Source: Seth Fedelin Instagram

Nang dahil sa hindi inaasahan na pangyayari sa kanyang tatay, hindi na ito nakabalik ng ibang bansa upang magtrabaho para sa kanilang pamilya. Naging mahirap ang buhay nila Seth noon at napagdesisyunan niya na maglinis ng swimming pool upang may pandagdag kita na makakatulong sa kanilang pamilya.

Isang ulirang anak na maituturing si Seth, dahil ginagawa niya ang lahat upang makatulong sa kanyang mga magulang kahit noon pa man na walang-wala sila sa buhay. Kahit ngayon na tuloy-tuloy ang biyaya na dumadating sa kanya priyoridad niya pa rin ang kanyang pamilya.

Source: Seth Fedelin Instagram

Kung noon ay binabalewala lamang ang pamilya ni Seth ng kanilang mga kamag-anak ngayon ay kinikilala na sila. Nakikita lahat ni Seth ang mga sakripisyo ng kanyang mga magulang para sa kanilang magkakapatid, kung kaya’t nagpursige siya sa pag-aaral at ito ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang sumali sa ABS-CBN ‘Star Hunt’ kung saan siya ay pinalad na makilala.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Joross Gamboa, Super Blessed Sa Naipundar Nilang Family Beach House

Iya Villania, Ibinahagi Ang Groundbreaking Ceremony Ng Lote Para Sa Kanilang Future Home