in

Meryll Soriano, Ibinahagi Ang Larawan Nila Ng Kanyang Napaka-cute Na Anak Na Si Baby Gibo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Matatandaan na taong 2021 nang nagbahagi si Meryll Soriano ng isang larawan ng isang paa ng bagong silang na sanggol sa kanyang Instagram account. Sa pagbabahaging ito ng aktres dito na niya ipinaalam sa publiko na isinilang niya ang anak nila ng kanyang ex-boyfriend at aktor na si Joem Bascon.

Source: Meryll Soriano Instagram

Sa kanilang naging paghihiwalay noon hindi lubos akalain ng kanilang mga tagahanga ang kanilang pagbabalikan na talaga nga namang isang maituturing na malaking rebelasyon.

Source: Meryll Soriano Instagram

Sa kanilang pagsisimulang muli, masayang ibinahagi na ni Meryll at Joem ang kanilang pagsasama kasama ang kanilang napaka-cute na anak na si Baby Gibo. Sa bilis ng panahon at araw nito lamang Disyembre nagdiwang ang kanilang anak ng 1st birthday nito.

Source: Meryll Soriano Instagram

Sa latest IG post nga ng aktres, makikita na napaka-cute ni Baby Gibo sa kanyang elf costume na swak sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan at kapaskuhan. Marami sa mga netizens ang nanggigil sa kacute-tan ng kanyang anak.

Source: Meryll Soriano Instagram

Samantala, hindi naman naiwasan ni Meryll na ibahagi ang kanyang naging maselang pagbubuntis noon. Aniya, “Wala akong expectations, and I think that’s really one of the key important factors that saved me. The only difference is I have to take care of my pregnancy because of my age.”

Source: Meryll Soriano Instagram

Dito rin niya ibinahagi kung gaano kahalaga noon ang presensya ni Joem, saad pa niya, “Alagang-alaga ako ni Joem. Alam na alam niya kung paano ako titimplahin, alam niya na kailangan niya akong patulugin-‘Medyo nag-me-mania ka na’,-so patutulugin niya ako. Para siyang pelikula na ang traffic sa EDSA.

Source: Meryll Soriano Instagram

Ang sakit. Hindi ko alam na ‘yung…ihi ako ng ihi during the morning, ‘yun na pala ‘yun. Wala na akong tubig kaya sobrang sakit na ng contraction ko.”

Source: Meryll Soriano Instagram

Marami sa mga tagahanga ng aktres ang naging masaya sa naging pagbabalikan nila ni Joem, at magpa hanggang ngayon ay kitang-kita pa rin kung gaano kasaya ang kanilang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Masayang Ibinahagi Ni Baron Geisler Ang Kanilang Nakaka-inspired Na Family Christmas Photoshoot

Silipin Ang Baptism Ni Baby Gido Na Anak Ni Meryll Soriano at Joem Bascon