in

Masayang Ibinahagi Ni Baron Geisler Ang Kanilang Nakaka-inspired Na Family Christmas Photoshoot

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Proud na proud na ibinahagi ni Baron Geisler kung gaano siya kasaya sa kanyang pamilya. Sa kabila ng kanyang mga naging karanasan noon na hindi naging maganda, ngayon ay malaki na ang kanyang pinagbago. At ang pagbabagong ito ay dahil sa kanyang asawa at napaka-cute na anak.

Sa katunayan nga nito, nagbahagi si Baron ng kanilang nakakatuwa at nakaka-inspired na family Christmas photoshoot upang ipagdiwang ang kapaskuhan. Makikita sa larawan na ibinahagi ni Baron, talagang bagay na bagay sa holiday’s season ang kanilang kulay pulang mga damit.

Source: Baron Geisler Instagram

Sa post ni Baron na may caption na, “Tis’ the season!” kitang-kita sa pagbabahagi ng aktor sa kanyang Instagram ang kanyang kagalakan at kasayahan. Matatandaan nga noong nakaraang taon ay sinalubong nila Baron at ng kanyang asawang si Jaime ang paglabas ng kanilang anak na si Baby Talitha Cumi.

Source: Baron Geisler Instagram

Sa isa ngang naging interview kay Baron, ibinahagi niya kung paano siya nagbago mula sa pagiging isang bad boy hanggang sa naging mabuti at responsableng ama. Inamin ng aktor na talagang binago ng kanyang pagiging isang ama ang kanyang dating buhay.

Source: Baron Geisler Instagram

Kung ang dati niyang pagiging maangas ngayon ay isa na siyang matiisin at mapagpasensyang padre de pamilya. Natuto na siyang pahalagahan ang trabaho at kung paano ito pagsikapan dahil may asawa at anak na siyang umaasa sa kanya. Dagdag pa niya, umiiwas na rin siya sa gulo at nagiging mahinahon na rin siya sa lahat ng bagay.

Source: Baron Geisler Instagram

Aniya pa, malaki ang naidulot na pagbabago sa kanya ng pandemya kasama ang kanyang pamilya sa Cebu. Saad pa niya, “Now, family comes first. More than any material things, family is the most important thing in the world. I consider 2020 as blessing in disguise. Marami akong natutunan. I got to take care of my daughter, naging hands-on pa kami ng asawa ko, si Jaime.”

Source: Baron Geisler Instagram

Ika pa ni Baron, dito daw natutunan niyang laging iniisip ang pangangailangan ng kanyang anak kahit nga raw ang pagbabasa ng mga libro tungkol sa parenting ay ginagawa niya. Kaya naman napatunayan niya talaga na binago siya ng pandemya, kung paano ang maging isang responsable at mapagmahal na ama.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang “Christmas Feel” Na Bahay Ng Celebrity Couple Na Sina Dianne Medina at Rodjun Cruz Na Talagang Napakakulay At Napakaganda

Meryll Soriano, Ibinahagi Ang Larawan Nila Ng Kanyang Napaka-cute Na Anak Na Si Baby Gibo