in

OMGOMG LoveLove

Silipin Ang “Christmas Feel” Na Bahay Ng Celebrity Couple Na Sina Dianne Medina at Rodjun Cruz Na Talagang Napakakulay At Napakaganda

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang araw ng kapaskuhan ang isa sa mga mahahalagang araw ng bawat pamilyang Pilipino. Kung saan ito ang okasyon na ipinagdiriwang ng buong mundo, kahit sa kabila ng p@ndemya, tunay ngang nagagawa pa rin ng mga tao na mairaos ang pagsilang kay Kristong hari.

Source: Dianne Medina Instagram

Kaya naman sa pagpasok palang ng ‘Ber months’ ramdam na ramdam na ang diwa ng kapaskuhan. Karamihan sa mga tao ay naglalagay na ng mga makukulay na mga palamuti sa kanya-kanyang mga tahanan. Mapa-ordinaryong tao man o mapa-celebrity na talaga nga namang hindi pahuhuli sa paglalagay ng mga magagandang dekorasyon para gawing makulay ang kapaskuhan.

Source: Dianne Medina Instagram

Kabilang nga sa mga ito ang tahanan ng mag-asawang aktres at aktor na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz. Makikita sa larawang kanilang ibinahagi sa kanilang social media account, ay talagang hindi nagpahuli ang maganda at makukulay nilang Christmas décor ng kanilang tahanan.

Source: Dianne Medina Instagram

Talaga ngang ‘Christmas feel’ na nga sa kanilang tahanan, hindi lang sa loob nito kundi pati na rin sa labas na mas nakakaaliw tingnan dahil sa maraming makukulay na Christmas lights na sobrang kinang sa pagkutitap.

Source: Dianne Medina Instagram

Ipinasilip ito ni Dianne sa kanyang Instagram account sa pamamagitan ng maikling video ang labas ng kanilang tahanan, at dahil nga sa taglay na liwanag nito gawa ng mga Christmas lights. Sa makukulay na mga ilaw nito, talagang mamangha ang mga mapapadaan sa labas ng kanilang tahanan dahil sa kagandahan nito.

Source: Dianne Medina Instagram

Pati mga netizens na nakapanood ng video na pinost ni Dianne ay nasiyahan sa napakagandang kinalabasan ng Christmas decors at lights sa kanilang tahanan. Marami rin sa mga netizens ang nagbigay komento sa IG post ni Dianne, ang iba ay sinabi ngang ang tunay na nakapagbibigay sa kanilang puso ng tuwa at galak ay kapag nakakakita sila ng magaganda at makukulay na Christmas lights.

Source: Dianne Medina Instagram

May iba naman na nagbiro na sa ganda ng tahanan ng mag-asawa at sa liwanag nito sa gabi ay maari na nilang dalhin dito ang kanilang mga girlfriend upang tumambay o mag-date.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kuya Kim, Proud Na Proud Para Sa Anak Na Si Eliana Nang Matanggap Ito sa University of Pennsylvania

Masayang Ibinahagi Ni Baron Geisler Ang Kanilang Nakaka-inspired Na Family Christmas Photoshoot