in

Kuya Kim, Proud Na Proud Para Sa Anak Na Si Eliana Nang Matanggap Ito sa University of Pennsylvania

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Labis ngayon ang kasiyahan at kagalakan ng TV host-anchor na si Kim Atienza dahil sa achievement ng kanyang panganay na anak na babae na si Eliana. Proud father ngayon si Kuya Kim dahil ang kanyang anak na dalaga ay natanggap lang naman sa Ivy League sa Univeristy of Pennsylavania sa United States.

Source: Kim Atienza Facebook Page

Masayang ibinahagi ni Kuya Kim ang panibagong achievement ng kanyang anak sa kanya mismong Instagram account. Nagbahagi si Kuya Kim ng isang video kung saan masayang-masaya si Eliana ng matanggap niya ang acceptance letter galing sa naturang unibersidad.

Sa kanyang post sa Instagram na may caption na, “My dearest Eliana, I’ve seen how hard you worked for this. I will miss you dearly but Mama and I are so proud of you!”

Source: Kuya Kim Instagram

“Fly as high as you can our dearest Eli! Welcome to your mama’s Alma Mater. We love you!” dagdag pa ni Kuya Kim. Si Eliana ay magiging bahagi ng College of Arts and Sciences’ Class of 2026 sa University of Pennsylavania, kaya naman labis ang kanyang kasiyahan ngayon dahil bibihira lamang ay may ganitong opurtunidad.

Source: Kuya Kim Instagram

Ang University of Pennsylvania ay isa sa walong Ivy League universities kasama ang Harvard, Yale, at Brown kung saan ito ay sikat at kilalang-kilala na prestigious and old universities sa bansang America.

Source: Kuya Kim Instagram

Matatandaan na ikinasal sina Kuya Kim at ang kanyang asawang si Felicia noong taong 2002. Mayroon silang dalawa pang anak, sina Jose at Emmanuelle, na karapat-dapat ding ipagmalaki ng kanilang mga magulang dahil nakamit din nila ang tagumpay sa kanilang sariling larangan.

Source: Kuya Kim Instagram

Noong 2019, nakamit ng kanyang anak na lalaki na si Jose ang maging isang piloto at ginawa niya ang kanyang unang solo flight. Si Emmannuelle naman ay nagtapos ng elementarya noong Hunyo noong nakaraang taon ng may academic awards.

Kaya naman bilang isang magulang, nakaka-proud para kay Kuya Kim na ipagmalaki ang kanyang mga anak sa social media dahil bibihira lamang ang mga magulang na may mahuhusay na mga anak sa kanilang angking mga larangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nadine Lustre At Rumored Boyfriend Na Si Christopher Bariou, Namahagi Ng Tulong Sa Mga Naaapektuhan Ng Bagyo Sa Siargao

Silipin Ang “Christmas Feel” Na Bahay Ng Celebrity Couple Na Sina Dianne Medina at Rodjun Cruz Na Talagang Napakakulay At Napakaganda