in

LoveLove CuteCute

Nadine Lustre At Rumored Boyfriend Na Si Christopher Bariou, Namahagi Ng Tulong Sa Mga Naaapektuhan Ng Bagyo Sa Siargao

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi na naging lingid sa kaalaman ng publiko ang buhay pag-ibig ng singer-actress na si Nadine Lustre. Mula sa nakakalungkot na break-up nila ng kanyang ex-boyfriend ng singer-actor na si James Reid hanggang sa bagong pag-ibig umano ngayon ni Nadine sa katauhan ni Christopher Bariou.

Source: Nadine Lustre Instagram

Kamakailan lamang laging laman ng social media ang singer-actress, lalo na ng siya ay nanatili sa Isla ng Siargao kasama ang kanyang rumored boyfriend.
Sa pananatili ni Nadine sa Siargao, marami ang nakakakita sa kanya na palagi niyang kasama si Christopher.

Source: Christophe Bariou Facebook

At sa kamakailan nga lamang na unos na naranasan ng Siargao nito lamang Disyembre ay nagbahagi si Nadine at Christopher ng tulong sa mga taong nasalanta ng bagyong Odette. Dahil naging malapit na sa puso ng aktres ang lugar ng Siargao kaya naman galing sa sarili nilang bulsa ang kanilang itinulong.

Source: Christophe Bariou Facebook

Sa dami ng naaapektuhan ng bagyo hindi nagdalawang isip na tumulong si Nadine sa katunayan naging hands-on ang pagtulong ni Nadine hindi lang basta pinansyal kundi pati na rin ang mga gawain na makakatulong sa mga tao na makabangon.

Source: Christophe Bariou Facebook

Sa pagtulong na ito ng aktres lalo siyang naging laman ng social media dahil sa mga maraming kuhang larawan ng kanyang pagtulong na nagkalat social media.

Source: Christophe Bariou Facebook

Makikita sa mga larawan kung gaano kabukal sa puso ni Nadine ang tumulong kahit anumang oras at pagod. Ayon pa sa kanyang rumored boyfriend na si Christopher, na nagbahagi rin ng kanilang ginawang pagtulong sa mga nasalanta ay wala umano silang pinipiling oras sa pagtulong sa mga taong mas higit na nangangailangan. Hindi rin alintana sa aktres ang init at pagod makapaghatid lamang ng kanilang tulong sa mga taong nasalanta.

Source: Christophe Bariou Facebook

Dahil dito, marami sa mga netizens ang labis na natuwa at nasiyahan sa kanilang ipinakitang pagmamalasakit.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pauleen, Masayang Nagampanan Nila Ni Bossing Vic Sotto Ang First Time Family Vacation Ng Walang Yaya

Kuya Kim, Proud Na Proud Para Sa Anak Na Si Eliana Nang Matanggap Ito sa University of Pennsylvania