in

Pauleen, Masayang Nagampanan Nila Ni Bossing Vic Sotto Ang First Time Family Vacation Ng Walang Yaya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi madali ang magpalaki ng anak dahil kakailanganin na mabigyan sila ng oras na maalagaan. Para sa celebrity couple na si Vic Sotto at Pauleen Luna, malaki ang utang na loob nila sa kanilang mga kasambahay.

Source: Pauleen Luna Instagram

Subalit sa social media ng mag-asawa ay ibinahagi nila ang kauna-unahang pagkakataon na mag out-of-town na hindi kasama ang yaya ng kanilang anak na si Tali. Nagpunta ang pamilya sa Casa Tonio sa Cabagan, Zambales at masayang nagpost sa kanilang social media ng pamamasyal sa lugar.

Source: Pauleen Luna Instagram

“It’s our very first trip without a y𝔞ya on board! We are so fortunate to be blessed with a very easy ch𝔦ld,” pagbabahagi ni Pauleen Luna. Ayon sa host ay hindi nila inexpect na hindi sila mahihirapang alagaan at bantayan ang kanilang panganay na anak na si Tali. Masunurin umano ito at naenjoy ng pamilya ang pagbabakasyon.

Source: Pauleen Luna Instagram

“I honestly thought I would have a hard time and won’t be able to enjoy the vacay but to my surprise, she adjusted right away and didn’t have a problem being independent-ish,” ayon kay Pauleen.

Source: Pauleen Luna Instagram

Kasama nila ang mag-asawang si Danica Sotto at Marc Pingris at ang mga anak nitong si Jean Michael at Anielle Micaela. Nakamatching outfit ang magkapatid at mahigpit ang pagkakayakap kay Tali. Ang magkapatid ang nakipaglaro at nagbantay kay Tali kaya naman ay nagpaabot ng pasasalamat si Pauleen sa pamilya. Aniya, “Big big th𝔞nks to our family too for helping me keep her occupied and entertained! Yes, I have a Zamba hang𝔬ver. Missing everyone.”

Source: Pauleen Luna Instagram

Parang open book ang pamilyang Sotto kaya kung matatandaan ay madalas magbonding ang Sotto Clan at parents ni Pauleen, out-of-town. Sa nakaraang balita ay nagbakasyon ang buong pamilya sa Amanpulo, Palawan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pumasok Bilang Kasambahay Noon Upang Pangtustos Sa Pag-aaral, Isang Lisensyadong Pharmacist Na Ngayon

Nadine Lustre At Rumored Boyfriend Na Si Christopher Bariou, Namahagi Ng Tulong Sa Mga Naaapektuhan Ng Bagyo Sa Siargao