in

Kinagiliwan Ang Napakacute Na Little Darna Costume Ng Anak ni Jhong Hilario Na Si Baby Sarina

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dahil sa nalalapit na ang muling paglipad ng Pinay Iconic Superhero na si Darna matapos ang ilang taon nitong iba’t-iba na ang naging bersyon ang karakter ng sikat na Pinay Superhero. Kaya naman nang muli itong inanunsyo ng ABS-CBN network ang panibagong remake ng Darna maraming manonood at tagahanga nito ang nae-excite at inaabangan ang pag-ere nito sa telebisyon.

Marami na sa ating mga pinay na aktres ang gumanap bilang si Darna mula noon hanggang ngayon, kagaya na lamang nina Eva Montes, Gina Pareňo, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Rio Locsin, Sharon Cuneta, Nanette Medved, Anjanette Abayari, Regine Velasquez, Angel Locsin at Marian Rivera. Patok na patok ito sa mga manonood lalong lalo na sa mga kabataang Pinoy na mahilig sa mga Iconic Superhero.

Source: Angel Locsin Fan page

Kinagiliwan ang karakter na ito ni Darna dahil nga sa kanyang karakter na handang tumulong sa lahat ng nangangailangan lalo na ang mga taong nasa kapahamakan. At sa bagong bersyon nga ng Darna ngayon na malapit ng umere sa telebisyon sa ilalim ng ABS-CBN network ay masaya nga nilang ibinahagi na ang Kapamilya actress na si Jane de Leon ang magbibigay buhay sa karakter ni ‘Narda’ o si Darna.

Marami nga sa mga tagahanga ng aktres ang nasiyahan sa balitang ito, at inaabangan nila ang maipapakitang husay at galing ni Jane sa pag-ganap niya bilang ang Pinay Iconic Superhero.

Source: Jane De Leon Fan page

Samantala, nito lamang namang nakaraan, ay naging agaw-pansin ang cute na cute na anak ni Sample King Jhong Hilario na si Baby Sarina matapos nga nitong maging isang ‘little Darna’ ng magsuot ito ng darna costume at bibo na bibo na umawra sa harap ng kamera.

Source: Jhong Hilario Instagram

“DARNA tuloy na tuloy na talaga!😊 Directed by the one and only Chito Roňo. @sarinahilario @chitorono @officialdarna @imjanedeleon #sari #darna #chitorono”, ang naging saad ni Jhong sa larawan ni baby Sarina na naka-Darna costume ang suot.

Source: Jhong Hilario Instagram

Marami namang mga netizens ang agad na kinagiliwan ang napaka-cute na larawan ni Baby Sarina, at ang iba nga ay napansin pa ang pagiging bibo nito sa harap ng kamera. Tunay namang proud na proud si Jhong sa pagiging Daddy niya sa kanyang cutie patootie.

Source: Jhong Hilario Instagram

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Drew Arellano at Iya Villania, May Baby Number Four Na!

Pumasok Bilang Kasambahay Noon Upang Pangtustos Sa Pag-aaral, Isang Lisensyadong Pharmacist Na Ngayon