in

Pumasok Bilang Kasambahay Noon Upang Pangtustos Sa Pag-aaral, Isang Lisensyadong Pharmacist Na Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Wala talagang impossible kung ang isang tao ay nagsisikap na maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Lahat ng tagumpay sa buhay ay nag-uumpisa sa paghihirap at sakripisyo.

Tulad na lamang ng isang dalaga na naging isang kasambahay, na naging isang lisensyadong Pharmacist dahil sa kanyang naging sipag at tiyaga sa pag-aaral. Sabi nga nila tanging edukasyon lamang ang hindi makukuha ng kahit sinuman dahil lagi itong magagamit kahit saan man makarating ang iyong mga plano sa buhay.

Source: GMA News YouTube

Kinilala ang dalagang ito na si Joanna Griño na nagmula pa sa isang bayan sa Sorsogon City. Si Joana ay laki sa hirap at naranasan ang pagiging hikaos sa buhay, ngunit hindi ito naging hadlang upang siya ay magsumikap sa buhay. Dahil ang kanyang pagsusumikap lang naman ay napalitan na ng kaginhawaan sa buhay dahil nakamit na niya ang kanyang pangarap na maging isang ganap na Pharmacist.

Hindi naging madali kay Joana ang kanyang naging buhay, sa kagustuhan na maisakatapuran ang kanyang mga pangarap siya ay lumuwas ng Maynila kagaya na lamang ng kanyang ate. Dito kinailangan ni Joanna ang maghanapbuhay upang matustusan ang kanyang pag-aaral.

Source: GMA News YouTube

Pagkukwento ni Joanna, “Sabi ko kila ate, ate pwede ba akong pumunta diyan sa Manila, kahit ano lang ’yung trabaho? Kasi alam ko po na wala akong future doon kundi ano lang, siguro baka nag-asawa na talaga ko kung nandoon lang ako sa Bicol.”

Namasukan si Joanna bilang isang kasambahay, ipinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho upang maitaguyod ang lamang ang kanyang pag-aaral. Ang kanyang pagkain at tirahan ay sagot na ng kanyang amo samantalang ang iba sa kanyang matrikula ay sinusuportahan ng kanyang ate.

Source: GMA NEWS

Saad pa ni Joanna, “Hindi habang buhay ganito ’yung sitwasyon ko. Kumbaga po kahit sobrang hirap gagawin ko at gagawa ako ng paraan para ma-push ’yung pangarap at natupad ko naman po, Pharmacist na po ako ngayon.”

Tulad ng ate ni Joanna na kinilalang si Mary Jane siya rin ay nagkaroon ng magandang oppurtunidad sa Maynila nang siya ay naging working student at nakakuha ng full scholar sa Adamson University. Kaya naman hindi maitatangi na naging idolo siya ng kanyang kapatid.

Source: GMA News YouTube

Ayon sa kwento ni Mary Jane, binalikan niya ang kanilang naging buhay noon na talagang napakahirap. Aniya, “Yung ultimo po asin, pisong asin, uutangin pa namin sa kapitbahay, ultimo isang pirasong sibuyas or bawang na pang-gisa.” Kung kaya’t ito ang nagtulak sa kanilang magkapatid na magsumikap sa buhay at huwag sumuko anuman ang mangyari.

Dahil sa pagsusumikap, pagsisipag at pagtutulungan nilang magkapatid pareho na sila ng kanyang kapatid na si Joanna na may magandang tinapos sa kolehiyo at dahil tapos na sila ngayon sa pag-aaral ang kanilang kapatid naman na si Jethro ang kanila namang tutulungan na makatapos at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Source: GMA News

Tunay ngang ang pagsusumikap ang magdadala sa atin sa tugatog ng tagumpay, kaya huwag lamang sumuko sa anumang darating na pagsubok sa buhay. Dahil ika nga nila, ang umaayaw ay hindi kailanman nagtatagumpay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kinagiliwan Ang Napakacute Na Little Darna Costume Ng Anak ni Jhong Hilario Na Si Baby Sarina

Pauleen, Masayang Nagampanan Nila Ni Bossing Vic Sotto Ang First Time Family Vacation Ng Walang Yaya