in

Kiray Celis, Masayang Sinurpresa Ng Isang Bagong Motor Ang Kanyang Kapatid Na Isang Construction Worker

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilalang-kilala ng lahat ng mga manonood ang TV actress na si Kiray Celis, unang nakilala si Kiray bilang isang child star at cast member ng kiddie gag show na Goin’ Bulilit. Marami rin siyang mga palabas sa telebisyon na kanyang kinabilangan kagaya na lamang ng Kampanerang Kuba, Mara Clara, 100 Days To Heaven, at Luv U. Siyempre hindi rin pahuhuli si Kiray sa takilya at ngayon isa na rin siyang sikat na Youtube vlogger.

Source: Kiray Instagram

Sa naging latest vlog ni Kiray, tinupad ni Kiray ang matagal ng pangarap ng kanyang kuya na isang bagong motor.

Saad ng aktres sa kanyang vlog, “Ngayon isu-surprise ko ‘yung kapatid ko ng pangarap niyang motor. Ilang taon na niya akong kinukulit dito. Ang tagal na niyang sinasabi sa akin kaso nag-ipon pa ako para mabilhan ko siya ng motor. Pero this time, nagawa ko na ang pag-iipon kaya bibilhin ko na siya ngayon tapos pupunta tayo ngayon kung saan siya nagtatrabaho para makita niyo at ma-explain ko mamaya kung gaano ka-deserve ng kapatid ko na mabilhan ko siya ng ganitong klase ng motor.”

Source: Kiray Instagram

Mapapanood sa vlog na matapos itong bilhin ni Kiray ay personal niya itong dinala sa construction site mismo ng kanyang kuya kung saan ito nagtatrabaho. Kasama ng aktres ang kanyang boyfriend nang sorpresahin nila ang kanyang kuya.

Pagkukwento pa ni Kiray, may sarili ng pamilya ang kanyang kuya ngunit nakatira pa rin ito sa kanila. Dagdag pa niya hindi naman ibig sabihin na dahil sa artista siya ay umaasa pa rin sa kanya ang kanyang kuya. Siyempre dahil may sarili na itong pamilya kaya doble ang kayod nito para sa kanilang mga magulang at para kanyang sariling pamilya.

Source: Kiray Instagram

Pahayag pa ng aktres, “FYI, si kuya ay may dalawa ng anak, babae. Nakatira pa rin sila sa amin. [Pero] siyempre, hindi naman artista ako eh iaasa na niya lahat sa akin.”

Sa naging sorpresa ni Kiray sa kanyang kuya hindi napigilan nito ang labis na kasiyahan na matanggap ang regalo sa kanya. Labis siyang nagpapasalamat sa kanyang kapatid na si Kiray dahil sa walang sawang pagtulong nito sa kanyang pamilya.

Source: Kiray Instagram

Pahayag pa niya, ni minsan hindi niya ikinahihiya ang pagiging isang construction worker kahit pa na artista ang kanyang kapatid. Dahil para sa kanya ayaw niyang iasa sa kanyang kapatid ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Dagdag pa nito, marami umano ang nagugulat na malaman na kapatid niya si Kiray kaya ang iba ay talagang hindi makapaniwala.

Source: Kiray Instagram

Aniya, “Marami silang tanong lagi. ‘Uy kapatid mo si Kiray? Hindi nga?’ Meron pa nga nagtsi-tsimisan sa likod ko, eh. ‘Kapatid ba ni Kiray ‘yan? Bakit nagco-construction?’ Ganun.”

Hindi naman niya makakalimutan ang magpasalamat sa aktres, “Sobrang ganda grabe. Hindi ko in-expect ‘to na bibilhan ako ng kapatid ko,” ika niya.

Pabirong sagot naman sa kanya ni Kiray, “Charot! Hindi niya raw ine-expect. In-expect niya talaga ‘yan. Matigas mukha nito eh”.

“Sana makatulong ‘to sa trabaho mo kuya. Magpursige ka pa sa trabaho mo, at maging masipag ka pa lalo,” dagdag pa niya. At nangako pa siya sa kanyang kuya na kapag lumaki na ang kanyang ipon ay mas magandang motor na umano ang kanyang bibilhin sa susunod.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin at Alamin ang Buhay Ngayon ng Dating Co-host ni Willie Revillame na si Shalani Soledad

Drew Arellano at Iya Villania, May Baby Number Four Na!