in

Ogie Diaz, Ibinahagi Kung Paano Nag-umpisa Noon Si Liza Soberano Bago Nito Nakamit Ang Kanyang Tagumpay Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karamihan sa mga artista ngayon ay galing sa mga kilalang pamilya sa showbusiness. Kaya naman kaagad silang tinatangkilik ng mga tao, ngunit galing man sila sa mga kilalang pamilya ay gumagawa pa rin naman sila ng kanilang sariling pangalan upang mas kilala ang kanilang angking galing at mapatunayan ang kanilang sarili sa buong mundo.

Source: Facebook

Ngunit, mayroon din namang mga artista ang nanggaling sa simpleng buhay hanggang madiskubre ito at mabigyan ng pagkakataon na mabago ang kanyang buhay. Katulad na lamang ng sikat na aktres na si Liza Soberano na nanggaling sa simpleng pamumuhay lamang noon bago niya nakamit ang kanyang kasikatan ngayon.

Source: Liza Soberano Instagram

Maraming humahanga sa kahusayan ni Liza sa pag-arte at ang taglay nitong kagandahan. Naging usap-usapan siya ng kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang magandang performance na pinakita sa pagboses niya sa isang karakter sa animated series na pinamagatan na Trese. Samantala sa kabila ng kanyang kasikatan ay marami umano pala siya pinagdaanan bago niya makamit kung ano ang mayroon siya ngayon.

Source: Liza Soberano Instagram

Ibinahagi ng kanyang manager na si Ogie Diaz ang pinagdaanan ng kanyang alaga bago pa man ito nakilala sa mundo ng showbiz. Ayon kay Ogie, hindi naman umano nanggaling sa mayaman o kilalang pamilya si Liza sapagkat sila ay mahirap lamang noong makilala niya ito.

Source: Liza Soberano Instagram

Sadyang maganda, makinis, at artistahin lang talaga ang dating ni Liza noong una niya itong nakilala. Dagdag pa niya, dahil sa sobrang bait ni Liza gustong-gusto nitong makatulong sa kanyang pamilya. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang siya ay maging matagumpay sa kanyang karera.

Source: Liza Soberano Instagram

Nagawa pa umanong umutang ng aktres kay Ogie ng mahigit kumulang kalahating milyon noon, ngunit ito ay nabayaran naman kaagad dahil sa isang matagumpay na TV commercial na kanyang ginampanan. Hanggang sa naging sunod-sunod na ang kanyang mga TV projects at mga pelikulang nagawa, kung kaya naman hindi lang ito kay Ogie nakabayad pati na rin sa lahat ng tao na kanilang pinagkakautangan noon.

Source: Liza Soberano Instagram

Kaya naman labis na nagpapasalamat si Liza sa walang sawang pagsuporta sa kanya ni Ogie bilang manager nito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Si Amarah Ang Napakaganda at Matalinong Anak Ni Cristine Reyes

Kilalanin at Alamin ang Buhay Ngayon ng Dating Co-host ni Willie Revillame na si Shalani Soledad