in

CuteCute CryCry

Kilalanin Si Amarah Ang Napakaganda at Matalinong Anak Ni Cristine Reyes

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat magulang ginagawa ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin sa kanilang mga anak. Ito ay upang mabigyan sila ng maganda at maayos na kinakabukasan. Sa pagpapalaki ng mga anak at bawat magulang ay may kanya-kanyang paraan upang maibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng ating mga anak. Hindi na mahalaga rito ang sasabihin ng ibang tao basta’t ang mahalaga ay ang kasiyahan ng anak.

Source: Cristine Reyes Instagram

Ganito lamang kung gampanan ni Cristine Reyes ang kanyang responsibilidad sa kanyang anak na babae na si Amarah. Bilang isang mahusay at hinahangaang aktres ng industriya ibang-iba kung ihalintulad niya ang kanyang anak sa kanya. Ayon kay Cristine, kabaliktaran umano si Amarah ng kanyang kabataan noon dahil kung gaano daw siya katahimik noong kabataan niya siya naman raw ubod ng daldal ng kanyang anak.

Source: Cristine Reyes Instagram

Sa naging guesting ng aktres sa programang “Usapang Real Life”, sinabi ni Cristine na ang kanyang anak ay sobrang madaldal at tipong nakikipagsabayan na ito sa kanyang teacher kung kaya napapagsasabihan umano ito na makinig muna bago magsalita o pagbigyan muna ang kanyang ibang kaklase na makipag-participate sa mga diskusyon sa kanilang klase. Dagdag pa niya, malaki ang kanilang pagkakaiba sa isa’t-isa at hindi niya malaman kung bakit ganoon na lamang ang kanyang anak na si Amarah.

Source: Cristine Reyes Instagram

Saad din ng aktres na kahit gaano man kadaldal ang kanyang anak ay sobra niya itong mahal dahil ito ang nagpuno sa mga bagay na kulang sa kanyang sarili. Aniya pa, na nabuo ang kanyang buhay simula ng dumating sa kanya si Amarah at nagbago ang pananaw nito sa buhay at mas naintindihan niya ang tinatawag na pagmamahal.

Source: Cristine Reyes Instagram

Pahayag pa ni Cristine, hindi na lang puro sa sarili niya ang nakaikot sa kanyang mga desisyon sa buhay kundi para na rin sa kanyang anak at hindi na tulad ng dati na tila para wala lang ang mga bagay sa kanya sa oras na siya ang mag-desisyon. Hindi din ipinagkaila ng aktres na malaki na ang kanyang pinagbago, dahil noon akala niya na ang buhay ay umiikot lamang sa mga materyal na bagay ngunit habang tumatagal ay pakiramdam niya na meron pang kulang.

Source: Cristine Reyes Instagram

Kaya naman simula nang dumating sa kanya si Amarah at siya ngayon ay 5-taong gulang na, ipinangako ng aktres na ipaparanas niya lahat ng kasiyahan na pwedeng maramdaman ng kanyang anak na hindi umano niya naramdaman ng siya ay bata pa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

18 Year Old, Nakapundar Ng Sariling Negosyo Na Kumikita Na Ng Malaki

Ogie Diaz, Ibinahagi Kung Paano Nag-umpisa Noon Si Liza Soberano Bago Nito Nakamit Ang Kanyang Tagumpay Ngayon