in

18 Year Old, Nakapundar Ng Sariling Negosyo Na Kumikita Na Ng Malaki

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa isang post ni Chinkee Tan ay ibinahagi nito ang kwento ng isang 18 year old na dalagita na nakapagpundar na ng sariling negosyo. Bagamat hindi madali ang pagsisimula ay ipinagpatuloy ng dalaga ang kanyang pagbebenta hanggang sa makaipon ito.

Source: Chinkee Tan Facebook Page

Ayon sa post ay taong 2020 nagsimula si Jona France Senar Octa mag sideline ng pagbebenta ng cellphone. Nakakatanggap ito umano ng commission mula sa kapatid nitong nagtitinda ng android phones. Mula sa naipon nitong pera ay nagdesisyon itong magnegosyo.

Source: Chinkee Tan Facebook Page

“Takot ako noong una kasi wala naman akong alam sa negosyo, pero I started selling my own brand of liptints, na napunta sa tees, nagsupplier din ako ng load hanggang sa pagbenta online ng branded overruns na tops.”

Source: Chinkee Tan Facebook Page

Inamin naman ng dalagita na nakakaipon siya ng P20k per month noon sa kanyang pagbebenta. Nagpasya itong ipunin ang lahat ng kita at ipuhunan sa kanyang negosyo. Nirekomenda naman ng ate nito ang programa ni Chinkee Tan ukol sa tamang paghawak ng pera.

Source: Chinkee Tan Facebook Page

“Kapag wala rin kasi akong ginagawa masyado, lagi akong nagda-download ng videos ni Chinkee Tan tungkol sa pag-iipon at pag negosyo, sa kung paano ka magbudget at mag-tipid. Ni recommend kasi siya ng ate ko sa akin noon.”

Source: Chinkee Tan Facebook Page

Ngayon ay proud si Jonas sa mga achivements nito lalo na ngayong kumikita na siya ay nakakatulong na siya sa magulang niya kahit wala itong trabaho. Nagiwan naman ng mensahe si Jona para sa mga kagaya nitong nagbabalak mag negosyo subalit nagdadalawang isip kung kaya nila.

Source: Chinkee Tan Facebook Page

“Maniwala ka muna sa sarili mo na kaya mo para magsimulan mo at di mo mamamalayan nag e-excel kana sa negosyo mo. Ngayon, tinatarget at pinag-aaralan ko ang maging wholesaler ng mga statement shirts at branded overruns na tops kahit busy sa buhay college.”

Source: Chinkee Tan Facebook Page

Tunay na nakakainspire si Jona France hindi lamang dahil nalampasan nito ang takot sa pagsisimula ng negosyo kundi dahil na din sa patuloy nitong pagpupursige upang makamit ang kanyang mga pangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Vin Diesel, Matalik Na Kaibigan Ni Paul Walker Ang Tumayong Ama Sa Kasal Ni Meadow Walker

Kilalanin Si Amarah Ang Napakaganda at Matalinong Anak Ni Cristine Reyes