in ,

Vin Diesel, Matalik Na Kaibigan Ni Paul Walker Ang Tumayong Ama Sa Kasal Ni Meadow Walker

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Makalipas ang maraming taon na naulila sa kanyang ama si Meadow Walker na anak ng dating sikat na Hollywood actor na si Paul Walker na yumao na. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng lahat na si Paul ay n@m@tay sa isang car cr@sh noong 2013 kung saan sila ay nasa kalagitnaan ng paggawa ng top hit movie nilang ‘Furious 7’.

Source: Google

Ngayon, ang dating dalagitang si Meadow ay ikakasal na sa kanyang fiañce na si Louis Thornton-Allan. Sa kabila ng pagkawala ng kanyang ama nagpatuloy pa rin ang buhay ni Meadow kaya naman ngayon ay bubuo na rin siya ng kanyang sariling pamilya na maituturing niyang kanya.

Source: Meadow Walker

Wala man ang kanyang pinakamamahal na ama tumayo namang pangalawang ama niya ang matalik na kaibigan ng kanyang ama at isa ring sikat na Hollywood actor na si Vin Diesel. Sa mismong araw ng kasal ni Meadow ang ‘Fast & Furious’ actor star na si Vin ang nagsilbing ama nito upang siya ay maihatid sa ‘wedding aisle’ nito bilang kapalit ng kanyang yum@ong ama.

Source: Meadow Walker

Hindi man masaksihan ito ng dating si Paul Walker nariyan naman ang kanyang kaibigan na si Vin na ninong din ni Meadow upang mapunan ang kanyang responsibilidad. Ang larawang ito nila ni Vin Diesel ay ibinahagi mismo ni Meadow sa kanya mismong Instagram account. Ang post na ay may caption na, “Ayooo.”

Source: Meadow Walker

Sa kanyang post, makikita ang kagandahan ni Meadow habang siya ay nakasuot ng kanyang napakaganda at eleganteng bridal gown habang siya ay inihahatid ng kanyang ninong Vin sa harap ng altar. Makikita rin ang kagwapuhan ni Vin habang suot ang kanyang crisp blue-gray suit.

Source: Meadow Walker

Sa isa pang larawan makikita rin si Meadow at ang kanyang asawang si Louis. Ang Hollywood actress naman na si Jordana Brewster ay naroon din sa wedding ceremony ni Meadow.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

AJ Raval Inamin Na Puppy Love Niya Noon Si Ronnie Alonte

18 Year Old, Nakapundar Ng Sariling Negosyo Na Kumikita Na Ng Malaki