in

Isang Anak Niregaluhan Ang Kanyang Ina Ng Isang Drawing Na Bouquet Sa Kaarawan Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagdiriwang ng isang kaarawan ay isa sa mga mahahalagang bagay sa buhay ng tao. Kaya naman ito ating binibigyan ng oras at halaga. Sa panahon ngayon nauuso ang mga pagbibigay ng surpresa katulad na lamang ng mga pagreregalo ng mga money bouquet, money cake at iba pa. Ngunit dahil nga hindi naman lahat ng tao ay may kakayahan ng mga ganitong surpresa.

Tulad na lamang ng isang grade 10 student na kinilalang si Airiz Alcaraz 15-taong gulang na nagmula pa sa San Luis, Batangas. Ang kwento ng batang ito ay naibahagi sa social media dahil maraming netizen ang naantig sa kanyang munting surpresa para sa kaarawan ng kanyang pinakamamahal na ina.

Source: ABS-CBN

Galing lamang si Airiz sa mahirap na pamilya dahil na rin sa kakapusan sa buhay kaya hindi niya mabigyan ng magandang regalo ang kaarawan ng kanyang ina na si Mary Jane. Ang kanyang ina ay nagdiriwang ng ika-37 taong kaarawan nito.
Upang mapasaya ang kanyang ina, sinurpresa niya ito ng isang bouquet ng mga iginuhit na bulaklak. Gumawa rin siya ng mga improvised birthday banner para mas maramdam kung gaano ka-espesyal ang kaarawan ng kanyang ina.

Dahil sa ginawang surpresa ni Airiz para sa kanyang ina, naiyak na lamang sa tuwa si Aling Mary Jane. Saad pa ni Airiz, pangarap niyang mabigyan ng totoong flower bouquet ang kanyang ina.

Source: Screenshot from ABS-CBN


Ang kwento ito ay ibinahagi ni Trisha Mostoles sa kanyang facebook account, sa kanyang post ito ay may caption na, “Walang money kaya nag-drawing na lang.”

Bilang isang anak lahat ay gagawin mo upang mapaligaya lamang ang inyong mga magulang kahit ito ay simpleng paraan lamang. Hindi naman mahalaga kung ano halaga ng regalong maihahandog ng isang anak sa kanyang magulang. Dahil ang tanging mahalaga ay ang makita mong may ngiti sa kanilang mga labi na siyang katumbas na ng pagpapahalaga ng isang anak sa kanyang magulang.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Heaven Peralejo, Proud At Masayang Ibinahagi Na Siya Ay Graduate Na Sa Kolehiyo

AJ Raval Inamin Na Puppy Love Niya Noon Si Ronnie Alonte