in

CuteCute

Yasmien Kurdi, Ibinahaging 20k Lamang Ang Nagastos Sa Kanilang Kasal

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa si Yasmien Kurdi sa mga napili para sa Final Four ng reality based talent-search show ng GMA network na Starstruck. Ito ang naging stepping stone ng aktres upang makapasok sa mundo ng showbiz at bumuo ng karera rito.

Source: Yasmien Kurdi Instagram

Marami ang fans nito na masayang makita siya na ikakasal sa pinakamamahal nito. Hindi rin naman nag-atubili si Yasmien na ibahagi ang nagastos nilang mag-asawa para sa kanilang kasal.

Source: Yasmien Kurdi Instagram

Sa halagang P20,000 ay nabuo ang dream wedding ni Yasmien. Matatandaan na noong taong 2012 ay ikinasal si Yasmien sa kanyang now-husband na si Rey Soldevilla – isang flight attendant. Binayayaan naman silang mag-asawa ng isang anak, si Ayesha Zara.

Source: Yasmien Kurdi Instagram

Inamin naman ng aktres na isa din siya sa mga babaeng nangangarap ng magarbong wedding subalit nanaig ang kanilang priorities sa pagsisimula nila sa buhay mag-asawa. Sa halip umano na gumastos sila ng malaki para sa kanilang kasal ay mas pinili nilang bumili ng condominium na titirhan nilang dalawa. Kaya naman ay sa Penthouse ng mismong building ang pinili nilang venue ng kasal.

Source: Yasmien Kurdi Instagram

“Dito sa building na to sa penthouse sa café, dito kami kinasal ni Pangga for only 20,000 pesos. Oh diba hindi kana kailangan gumastos ng napakalaki para lang ikasal sa iyong minamahal. Kasi we realized that we have to put our money dito sa condominium para hindi kami mag-renta ng bahay.”
“Kasi diba ang laki ng savings na matitipid namin kapag nakuha namin tong condominium na instead na gastusin namin sa isang big wedding. Although hindi ko naman jina-judge ang mga taong may big wedding, kasi ako rin naman dream ko rin magkaroon ng big wedding someday.”

Source: Yasmien Kurdi Instagram

“Pero dumating that time talaga, hindi pa namin kaya ng ganun kagarbong wedding. Ang priority naming, nilaan muna naming dito sa bahay namin.”

Wise ang desisyon ng mag-asawa dahil ngayon ay mayroon na silang matitirahan na condominium. Masipag ding nagbebenta ng pabango ang mag-asawa para sa kanilang business na nais nilang lumago.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Maritoni Fernandez, Ipinakita Ang Kanyang Napakaganda at Napakalawak na Beach House sa Morong, Bataan

Estudyanteng Nakatira Sa Isang Barung-barong Lamang, Isa Ng Engineer Ngayon