in

Sheena Halili, Mukhang Dalaga Pa Din Pagkatapos Ipanganak Ang Kanyang First Baby Martina

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa atin ang sumusubaybay sa ating mga hinahangaan na mga artista dahil sa kanilang taglay na kagandahan at ganda ng pangangatawan. Kaya naman hindi natin maikakaila kung paano natin sila nasusubaybayan sa kanilang mga social media account upang malaman ang kaganapan sa kanilang mga buhay.

Isa na nga sa kanila ang aktres na si Sheena Halili, isa siya sa mga kilala at hinahangaan sa showbusiness. Si Sheena Yvette Castro Halili o mas kilala ng lahat bilang si Sheena Halili ay ipinanganak noong Enero 16, 1987 sa San Fernando, Pampanga.

Source: Sheena Halili Instagram

At noon lamang Agosto 26, 2018 ay na-engaged siya sa kanyang kasintahang abogado na si Jeron Manzanero at noong Pebrero 23, 2020 ay ikinasal din ang dalawa. Ang kanilang pagmamahalan at pagsasama ay nagbunga ng isang napakagandang anghel ito ang kanilang anak na si Martina.Ipinanganak ni Sheena ang kanyang anak na si Martina noon ding Disyembre 13, 2020.

Source: Sheena Halili Instagram

Talagang hinahangaan ngayon ang aktres dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan pa rin ng kanyang pangangatawan. Dahil matapos ipinanganak ng aktres ang kanyang panganay anak na si Baby Martina, kapansin-pansin pa rin ang kanyang napakagandang pangangatawan.

Source: Sheena Halili Instagram

Ibinahagi ni Sheena ang larawan ng kanyang post-pregnancy photo ito ay makalipas ang ilan buwan ng kanyang panganganak. Kaya naman marami sa kanyang mga tagahanga ang pinuri siya dahil napapanatili pa rin ng aktres ang ganda ng kanyang katawan sa kabila ng pagiging isang full time mommy.

Source: Sheena Halili Instagram

Kahit na siya ay nanganak hindi pa rin nagbago ang ganda ng hubog ng kanyang pangangatawan. Talagang makikita ito sa mga larawan na ibinabahagi ng aktres kung saan kasama niya ang kanyang anak habang ito ay kanyang inaalagaan. Sa larawan na kanyang ibinahagi, nakasaad ang kanyang mga daily routine sa pag-aalaga ng kanyang anak. Dahil sa kanyang simpleng pananamit hindi pa rin maitatago ang kanyang angking kaseksihan at kagandahan na aakalain ng iba ay hindi siya nanganak.

Source: Sheena Halili Instagram

Kaya naman, umani ng maraming positibong komento ang kanyang mga larawan mula sa mga netizens, tagahanga at higit sa lahat ang kanyang mga kaibigan sa showbiz industry.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mga Netizens Napa-Sana All Na Lang Sa Natanggap Na Kotse At Titulo Ng Lupa Ng Bagong Kasal

Maritoni Fernandez, Ipinakita Ang Kanyang Napakaganda at Napakalawak na Beach House sa Morong, Bataan