in

Mga Netizens Napa-Sana All Na Lang Sa Natanggap Na Kotse At Titulo Ng Lupa Ng Bagong Kasal

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang tradisyon na sa mga Pilipino ang kanilang pagpapahalaga sa kasal. Sapagkat hindi lamang ito pagbubukod ng dalawang pusong nagmamahalan kundi ito rin ay pagsasama ng habangbuhay. Dito nagsisimula ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Katulad na lamang ng nag-viral na bagong kasal na ito, dahil sa halip na maraming paper bills ang nakasabit sa wedding gown ng bride ay isa umanong dokumento na nakasilid sa loob ng brown envelope na maya nakasulat na “Deed of Sale”. Mayroon din itong nakasabit na OR/CR ng kotse at mga lilibuhing pera.

Source: Facebook

Ayon sa bride na kinilalang si Criselle Joy Alegre na mula pa sa Roxas City, noon lamang umanong November 26, 2021 nang ikasal sila ng kanyang kasintahan na si Al Vin Alegre. Sa kwento ni Criselle, siya ay nagresign na umano sa kanyang trabaho nang sila ay ikasal habang ang kanyang asawa naman ay isang miyembro ng Philippine National Police Highway Patrol Group.

Nang siya ay tanungin patungkol sa natanggap nilang tumataginting na regalo ay nilinaw niyang sasakyan at lupa ang natanggap mula sa kanyang mga magulang. Saad niya, “Yes po. Galing po yun sa parents ko. Surprise po. Masaya na emotional kasi hindi namin inaasahan ang blessing na ito.” Ayon pa sa kanya, hindi nila inaasahan ang magiging regalo sa kanila.

Source: Facebook

Sa larawan ng kanilang kasalan na ibinahagi sa social media hindi nila lubos akalain na ito ay magvi-viral. Umani ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens na halos lahat ay napa-sana all talaga sa kanilang mga natanggap na regalo.

Kaya naman labis silang nagpapasalamat sa maraming mga naka-appreciate sa kasal nilang ito at gayundin sa mga nakasaksi ng kanilang tunay na pagmamahalan. Hindi rin naman maikakaila ang wagas na pagmamahalan nila para sa isa’t-isa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang Magandang Resthouse ni Piolo Pascual sa Batangas

Sheena Halili, Mukhang Dalaga Pa Din Pagkatapos Ipanganak Ang Kanyang First Baby Martina