in

LoveLove

Silipin Ang Magandang Resthouse ni Piolo Pascual sa Batangas

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang namimiss nang makita on screen ang heartthrob ng bayan na si Piolo Pascual kaya naman ay naka antabay na lamang ang fans nito sa mga vlogs na pinapakita ng aktor.

Source: Piolo Pascual Instagram

Isa sa kanyang vlogs ay dedicated sa ika-43 na kaarawan nito at isinagawa niya ito sa kanyang malaking resthouse sa Batangas. Piling malalapit na kaibigan at pamilya ang nakadalo sa kaarawan nito dahil na din sa pagiingat ngayong panahon.

Source: Piolo Pascual Vlog

Makikita sa vlog ang maaliwalas na tanawin sa rest house. Malawak at malinis ang disenyo, wala masyadong ornamento na nakakadistract. Sinamahan din ni Piolo ng fireworks display ang selebrasyon ng kanyang kaarawan. Kasabay nito ay nag-iwan din ng mensahe ang aktor para sa ating kababayan dahil sa pagputok ng bulkang taal.

Source: Piolo Pascual Vlog

Maraming netizen naman ang pumuri sa pagsisikap na ginagawa ni Piolo lalo na’t marami na itong naipundar na ari-arian. Isa na nga dito ang mala-mansyon na resthouse nito sa batangas. Maliban din kasi sa napakagandang view ay malawak ang lupa nito. Maayos din ang pagkakadisenyo sa landscaping ng bahay. Mayroon din itong malawak na swimming pool kung saan madalas nagpapalitrato ang aktor.

Source: Piolo Pascual Vlog

Bagamat nasa edad 40 pataas na ay makikita na napakapogi pa rin ng aktor. Isa sa mga napansin ng netizens ay ang agwat sa hitsura nito at sa edad. Hindi kasi aakalain na nasa forties na ito sa hitsura nito. Maliban din ay magaling na aktor at singer si Piolo. Kaya naman ay hindi na kataka-taka ang malaking pag lago ng fanbase ni Piolo dito sa bansa. Marami sa fans nito ang nananatiling nakasubaybay sa aktor. Lalong lalo na sa mga vlogs na ipinapalabas nito.

Source: Piolo Pascual Vlog

Sa katunayan ay kilala din si Piolo bilang matulungin sa mga mahihirap kaya naman ay gayun na lang dn kadami ang humahanga at nagmamahal dito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Full Scholarship Sa US Ang Natanggap Ng Pinoy Na Anak ng Magsasaka

Mga Netizens Napa-Sana All Na Lang Sa Natanggap Na Kotse At Titulo Ng Lupa Ng Bagong Kasal