in

Full Scholarship Sa US Ang Natanggap Ng Pinoy Na Anak ng Magsasaka

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Adrean Paul Alugon ang mapalad na mag-aaral ang nakatanggap ng isang full Scholarship sa isang tanyag na unibersidad sa US, ito’ y kaniyang nakuha dahil sa kaniyang angking talino at husay na talagang nagpapatunay na karapat dapat siyang mabigyan nito.

Source: Adrean Paul Alogon

Isa sa nakapasok sa 11 Exceptionally able student si Adrean, at ang 11 na estudyanteng iyon ay nagmula sa Asean countries tulad ng The People’s Republic of China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Malaysia, Philippines, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand and Vietnam.

Source: Adrean Paul Alogon

At isang sobrang pasasalamat at galak ni Adrean dahil isa itong all expenses paid para sa kanya ang world class education at hindi na mahihirapan ang kaniyang pamilya na pag-aralin siya at bonus pa na sa isang prestigious school sa US ang papasukan nito.

Isang naging malaking hamon din para kay Adrean iyon, dahil nakapagtapos siya sa Philippine Science Highschool – Western Visayas Campus, at isang pagkakilanlan ang mapabilang sa paraalang ito dahil puro magagaling at matatalino ang estudyanteng naroon, at halos sa kaniyang mga kamag-anak ay puro din magagaling, matatalino at mayayaman.

Source: Adrean Paul Alogon

Ngunit kahit isang anak lamang siya ng magsasaka ay mas naging pursigido at inspirasyon niya ang kanilang estado sa buhay upang maging isa sa 11 Exceptionally able student na may Full Scholarship sa US.

Sa kanyang inang namayapa iniaalay ni Adrean ang tagumpay na nakamit. Taong 2015 ng mamayapa ang kaniyang ina sa sakit at nabanggit ni Adrean na, “When she p@ssed away, i had to be independent at saka very open minded. My mother was loving of her siblings, sa anim sa kanila siya yung professional. Nakuha ko po yung mindset ng nanay ko na kailangan kong maging selfless kasi napaka rami na pong ibinigay sa akin ang Diyos. Biniyayaan ako ng marami.

Source: Adrean Paul Alogon

Iniisip ko po lahat ng nangyari sa akin hindi lang blessings sa akin kundi para ma bless din po yung iba.

I’m there to learn and I’m there to acquire knowledge to comeback here.. I’m thinking of being a civic engagement person or a person in the sciences na ang focus talaga is the grassroots.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kauna-unahang “Septuplets” Sa Mundo, Grown-ups Na!

Silipin Ang Magandang Resthouse ni Piolo Pascual sa Batangas