in

LoveLove CuteCute OMGOMG LOLLOL WTFWTF CryCry AngryAngry

Tingnan Ang Mga Napakapoging Larawan Ngayon Ng Dating Child Star Na Si Clarence Delgado

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naalala niyo pa ba ang napaka-cute na child star na si Clarence Delgado? Isa siya sa mga dating child star ng sikat na kiddie gag show ng ABS-CBN na “Goin Bulilit”. Siya ay si Clarence William Delgado sa totoong buhay.

Source: Clarence Delgado

Siya ay unang nakilala noong siya ay manalo bilang The Male Winner sa Star Circle Quest 2011. Matapos nito, ito ang naging daan niya upang siya ay maging miyembro ng “Goin Bulilit” bukod rito siya ay nakasama din sa ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon.

Source: Clarence Delgado

Kagaya na lamang ng kanyang naging palabas sa ABS-CBN na “Wansapanataym”. Sa kabilang banda, nagkaroon rin siya ng mga pelikula na halos tinangkilik ng maraming manonood. Marami sa mga ito ang pelikulang “Can’t Help Falling in Love” at “Way Back Home”. Maliban sa pag-arte, siya rin ay naging host ng TV morning show na “Umagang Kay Ganda”.

Source: Clarence Delgado

Siya ay nagustuhan ng manonood dahil sa kanyang pagiging cute, chubby at napaka-charming na bata. Ngunit, ang charming little boy na talagang hinangaan sa telebisyon ay isa na ngayong ganap na binata at makikita sa kanyang mga social media account ang kanyang naging glow up transformation na talagang mapapamangha kahit sinuman.

Source: Clarence Delgado

Marami sa kanyang mga tagahanga ang nagulat sa kanyang malaking pagbabago mula sa pagiging cute at bibo siya ngayon ay isa ng matipunong binata. Si Clarence ngayon ay 15-taong gulang na at abala siya ngayon sa kanyang pag-aaral kaya naman hindi siya madalas mapanood sa mga palabas sa telebisyon.

Source: Clarence Delgado

Samantala, marami naman sa mga netizens ang namangha sa malaking glow up ni Clarence, sinong mag-aakala na ang dating cute at chubby childstar ay isa ng napaka-gwapong binata na siguradong pagkakaguluhan ng mga kababaihan pagdating ng panahon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Antoinette Taus, Tila Hindi Nagkakaedad At Napakaganda Pa Rin Kahit Edad 40 Years Old Na

Pamangkin Ni Angel Locsin Na Si Alyanna Angeles Isa Ng Ganap Na Dalaga At Inaasahang Susunod Sa Yapak Niya Ng Kasikatan