in ,

CuteCute OMGOMG

Yassi Pressman, Ipinasilip Sa Fans Ang Cute Na Itsura Ng Bahay Nito Sa Canada

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Maganda at talented ang aktres na si Yasmin Isabel Yasto-Pressman o mas kilala natin bilang Yassi Pressman, ngunit hindi lamang ito ang mayroon ang dalaga kundi pati na rin ang galing nito sa paghawak ng pera. Mula sa kanyang acting career ay nakapagpundar na ng bahay ang aktres sa Canada.

Source: Yassi Pressman

Nakapag-invest na ng bahay si Yassi sa Lake Scugog sa Ontario, Canada na siyang bahay-bakasyunan ni Yassi tuwing nagpupunta rito. Ibinahagi ni Yassi ang ilan sa mga pictures ng kanyang bahay-bakasyunan at talaga namang kinahangaan ng mga fans at netizens. Mapapansin kasi agad na lakefront view ang property kung saan ay makikita ang napakagandang sunset.

Source: Yassi Pressman

Talagang napakahusay din ng aktres mamili ng disenyo para sa kanyang bahay-bakasyunan dahil napakalinis tingnan ng interiors nito. Maaliwalas sa mata ang pagka-minimalist ng tema at mas nakapanig sa natural colors tulad ng white, beige at brown. Mas pumapanig ang tema sa kulay puti na lalong nagbigay ng hitsura na malaki ang space sa loob. Sa Dining room naman ay mayroong wooden table na six-seater at breakfast nook sa may kitchen.

Source: Yassi Pressman
Source: Yassi Pressman

Mayroong outdoor grill na nakatapat sa view ng lake at mayroon din game room para sa pagbobonding at kaaliwan ng mga mag-stay dito. Karamihan sa mga bintana ng property ay nakatapat sa view ng lake na talaga namang ‘breathtaking’ at nakakarelax. Maski sa mga kwarto ay naka feature ang view ng lake. Talaga namang napakaganda ng bahay na naipundar ni Yassi at napaka relaxing.

Source: Yassi Pressman
Source: Yassi Pressman

Isa sa mga hinangaan na karakter an ginanpanan ni Yassi ay ang bilang si Alyana Arevalo sa ‘FPJ’s: Ang Probinsyano’ na katambal ng karakter ni Coco Martin na si ‘Cardo Dalisay’. Dahil sa long-time running ang teleserye ay walang duda na talagang nakatulong ito sa pagiipon ni Yassi na makapagpagawa ng bahay. Walang duda na naguumapaw ang biyaya na natanggap ni Yassi at deserve na deserve naman ng aktres dahil sa husay nito at pagpupursige.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating Trabahante Sa Tubuhan, Ngayo’y Isa Ng Top Licensed Teacher

Andi Eigenmann, Ibinahagi Ang Magandang Resulta Ng Kanyang Pagpapayat Muli