in

Dating Trabahante Sa Tubuhan, Ngayo’y Isa Ng Top Licensed Teacher

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Malaki ang naitutulong ng mga karanasan natin sa buhay upang makamit natin ang ating pinapangarap. Bagamat karamihan sa mga magulang ay nais na makita ang kanilang anak na may mataas na antas sa pag-aaral at may magandang trabaho, ay may iilan na masaya na sa simpleng pamumuhay. Hangad nila na magkaroon ng simpleng buhay ang kanilang mga anak.

Source: Melvin Buracho

Gayun na di lamang ang ama ni Melvin Osabel Buracho na mariin na pinagsabihan ang mga anak nito na magkuntento sa kung ano ang kayang ibigay nilang mag-asawa. Ayon kasi sa kwento ni Melvin, ay sinasabihan umano sila ng kanyang ama na huwag nang mangarap na makapagtapos sa kolehiyo.

Ang tatay ni Melvin ay isang trabahante sa tubuhan. Ang pag tatabas ng sugarcane o “tubo” ang tanging pinagkukunan ng pamilya ng pangtubos sa pang araw-araw na gastusin. Ibinahagi din ni Melvin na walang masamang layunin ang paggigiit ng kanyang ama sa simpleng buhay kundi nais umano nitong harapin ang sitwasyon at hindi siya masaktan sa panahon na hindi ito makapagtapos ng kolehiyo.

Source: Melvin Buracho

Subalit mas sinipagan ni Melvin ang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng parangal ng kanyang ama. Nagpatuloy naman sa pagtatrabaho sa tubuhan si Melvin tulad ng inaasahan sa kanya ng kanyang ama, subalit nakatanggap si Melvin ng trabaho mula sa isang restaurant. Ito ang naging daan upang magkaroon ng pangtustos sa pagaaral si Melvin.

Nagpasya itong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho hanggang sa nakapagtapos ito ng highschool. Sa kabila ng tuwa sa pagtatapos nito sa highschool ay naging malamig naman ang pakikitungo ng kanyang ama. Para kasi rito ay nag-aaksaya lamang umano si Melvin ng oras sa paaralan.

Source: Melvin Buracho

Hindi na nakapag-ayos si Melvin at ang kanyang ama hanggang sa pumanaw ito. Ito ang naging determinasyong nito na makapagtapos ng kolehiyo. Nang makamit ni Melvin ang tagumpay at nakagraduate na ng kolehiyo ay bumalik si Melvin sa puntod ng kanyang ama upang sabihin na hindi na masama ang loob niya rito.

Source: Melvin Buracho

Nagpatuloy si Melvin na abutin ang kanyang pangarap at naging lisenced teacher na ito. Masayang masaya si Melvin at iniaalay ang kanyang tagumpay sa kanyang mga kapatid, ina at lalong lalo na sa kanyang ama.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jimmy Santos, Nagdiwang Ng Kanyang 70th Birthday At Nagbahagi Ng Tulong Sa Mga Kapus-Palad

Yassi Pressman, Ipinasilip Sa Fans Ang Cute Na Itsura Ng Bahay Nito Sa Canada