in

Jimmy Santos, Nagdiwang Ng Kanyang 70th Birthday At Nagbahagi Ng Tulong Sa Mga Kapus-Palad

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bago pa man pasukin ni Jimmy Santos ang pag-aartista ay naging isa muna siya sa ‘starting five’ players ng Jose Rizal College Heavy Bombers kung saan nagwagi sila sa isang NCAA Championship noong 1972. At taong 1980 naman ng magdesisyon itong pasukin ang pagiging komedyante at pumatok naman siya sa masa. Hanggang sa naging opisyal siyang naging isang co-host ng longest TV show na Eat Bulaga noong 1986 at isa siya sa mga pinakamatagal na miyembro ng noontime show.

Source: Jimmy Santos

Kaya naman ngayon ang komedyante ay masayang nagdiwang ng kanyang ika-70th birthday noon lamang October 8. Bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan namahagi siya ng tulong sa mga kapus-palad kasama ang kanyang mga kaibigan. Nag ikot-ikot si Jimmy kasama ang kanyang kaibigan para mamahagi ng mga groceries sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Source: Jimmy Santos

Kahit na 70-taong gulang na ang aktor at hindi na ganoon kaligtas sa kanya ang maglalabas ng bahay ngayong pandemya hindi naman ito nagpaawat para lamang makatulong. Sa kalagitnaan ng pandemya tanging ito lamang ang kanyang magagawang tulong sa kanyang kapwa kaya naisip niyang imbis na maghanda siya sa kanyang kaarawan ay ipamamahagi na lamang niya ito sa mga taong higit na nangangailangan.

Source: Jimmy Santos

Isang YouTuber na rin ngayon ang aktor, dahil hindi na rin siya madalas mapanood sa longest TV show na ‘Eat Bulaga’ marami naman siyang natutulungan na mga taong nangangailangan. Nage-enjoy naman siyang gawin ito, hindi lamang din basta pagvo-vlog ang kanyang ginagawa kundi sa bawat content nito talagang may kapupulutan itong aral.

Source: Jimmy Santos

Matatandaan na marami siyang naging vlog na kung saan puro pagtulong ang kanyang ginawa kagaya na lamang sa mga mamamayan ng Angeles, Pampanga City. Mapapanood din rito ang kanyang pagtulong sa mga katutubong Aeta at sa mga masisipag na tao ng Angeles Pampanga kung saan sinubukan niyang maging tindero sa palengke.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Dating PBB Housemate Na Isang Ganap Na Doctor Ngayon

Dating Trabahante Sa Tubuhan, Ngayo’y Isa Ng Top Licensed Teacher