in ,

Maantig sa Kwento ng Isang Matandang May Kapansanang Matiyagang Naglalako Kahit Na Mga Kamay Ang Gamit sa Paglalakad!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang buhay sa mundong ating ginagalawan ay talagang napaka challenging, dahil kinakailangan nating makipagsapalaran upang maipagpatuloy ang buhay na meron tayo. Ngunit mas mahirap ang laban ng mga kapus palad dahil wala silang mapag pipilian, kinakailangan talaga nilang kumayod upang mabuhay kahit na ang ilan ay may mga kapansanan.

Tulad nalamang ng isang matandang lalaki na nagpa antig sa mga puso ng Netizen sa social media dahil sa kaniyang mahirap na kalagayan dahil sa siya’y may kapansan imbes na mamalimos at umasa sa iba, siya mismo ang nagbabanat ng buto upang maghanap buhay at buhayin ang sarili.

Source: Facebook

Ini upload ulit ang larawan ng matandang naglalakad gamit ang kaniyang kamay habang pasan ang mga panindang bola, sa Facebook page na 2k20 na mula sa orihinal na kuha ni Thoryc.ID na ipinost niya sa kaniyang Instagram account.

Ang matandang nagsisikap mag hanap buhay kahit na may kapansanan ay nakilalang si Mr. Setu isang 50 anyos na nakatira sa Indonesia, imbes na paa ang kaniyang gamit sa paglalakad ay tanging kaniyang kamay nalang dahil sa kaniyang kapansanan, gumaganit din ito ng tsinelas ngunit hindi para sa kaniyang paa kundi para sa kaniyang kamay na nagsisilbing proteksiyon upang hindi masugatan ang mga ito.

Source: Google

Ang tulad ni Mr. Setu ay hindi lang dapat na kaawaan, dahil dapat rin siyang kabiliban at hanggaan ng marami, dahil imbes na manlimos at umasa sa iba ay matiyaga siyang naglalako ng kaniyang paninda upang mabuhay lamang sa araw-araw.

Sa kwentong ito ni Mr. Setu ay maraming humihiling na sanay ang mga katulad niya ang mabigyang pansin ng bawat goberyno upang maabotan ng tulong. Umani naman ng maraming pag saludo at paghanga kay Mr. Setu ang naturang post ng kaniyang larawan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Paolo Contis, Trending Sa Twitter Dahil Sa Isang Sculpture Na Kamukha Niya

Dapat Tularan: Pinakain at Sinubuan Ng Isang Good Samaritan Ang Mga Batang Pulubi!