in

Dapat Tularan: Pinakain at Sinubuan Ng Isang Good Samaritan Ang Mga Batang Pulubi!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang normal na pangyayari sa araw-araw ang makakita ka ng mga taong nanlilimos at mga pulubing naghahanap ng makakain, ngunit ang makakita ng mga batang halos masasabi mong walang nag aarugang magulang dahil sa kanilang wangis na parang hindi naaalagaan at napapakain ng maayos, isang nakakadurog ng puso isipin na sa kanilang murang edad ay ganoon na kalupit ang naranasan nila sa buhay. Na dapat sa mga panahong ito ay nasa bahay sila, naglalaro at nag-aaral.

Sobrang nalalagay sa kapahamakan ang kanilang mga buhay dahil alam nating lahat na hindi ligtas ang nasa labas ng bahay dahil sa pandemya na kumakalat ngayon sa buong mundo. Ngunit kong sakaling hindi man sila lumabas ay wala rin silang makakain kaya parang isang patentiro ang kanilang sitwasyon ngayon.

Source: Facebook

Ngunit marami parin namang taong may mabubuting puso na handang makatulong para sa mga taong nangangailangan lalo na sa mga batang pulubi, tulad nalamang ng na saksihan ni Patrisha habang siya’y kumakain sa isang past food chain kasama ang kaniyang nobyo.

Nakita niya ang isang lalaki na nagmagandang loob na tawagin at pakainin ang tatlong batang pulubi sa parehas na past food chain kong saan naroon sina Patrisha.

Source: Facebook

Pagkalapag ng mga biniling pagkain ng lalaki, ay kitang kita sa mata ng mga bata ang saya. Makikita rin sa nakuhang litrato na sinusubuan pa ng lalaki ang mga batang pulubi.

At ang isang bata naman ay naging agaw pansin sa lalaki dahil sa hindi niya kinain lahat ng pagkaing para sa kanya at ng tanungin ito kong bakit ay dahil raw i-uuwi niya ang pagkain itinira para sa kaniyang ina, at mas lalong naantig ang puso ng lalaki sa kaniyang narinig.

Source: Facebook

Ang kwento ng pangyayaring ito ay agad na ipinost ni Patrisha na agad namang nag viral at umani ng maraming komento at papuri. Isang magandang halimbawa ang ginawa ng lalaki para sa mga bata, at naway ang pangyayaring ito ay magsilbing inspirasyon ng marami upang tumulong rin sa mga lubos na nangangailangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Maantig sa Kwento ng Isang Matandang May Kapansanang Matiyagang Naglalako Kahit Na Mga Kamay Ang Gamit sa Paglalakad!

Tingnan ang Glow Up Transformation Ng Pepito Manaloto Cast Na Si Clarissa