in

Paolo Contis, Trending Sa Twitter Dahil Sa Isang Sculpture Na Kamukha Niya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa mga netizens ang agree sa ipinangalan sa sculpture na ipinost ni Jhope ng sikat na Korean boyband, na BTS.

Isang sculpture ng lalaki na nakapatong ang ulo sa pedestal ang ipinost ni J-Hope. Casual lamang ang suot ng sculpture at pagod na nakapatong ang ulo sa isang puting pedestal. Maliban sa nakakaintriga ang hitsura ng sculpture ay marami ang ibinahagi na kamukha umano ng Bubble Gang actor ang nasabing sculpture.

Trending naman sa Twitter ang kwentong ito lalo na dahil ipinost ito ng sikat na boy band member. Binansagan nang, “Paolo Contis Sculpture” ang nasabing artwork. Dahil dito ay mabilis na kumalat sa social media ang hitsura ng sculpture na talaga namang kahawig na kahawig ng aktor.

Source: Paolo Contis Instagram
Source: Paolo Contis Instagram

Isang netizen ang nakomento na, “Paolo Contis got noticed by Hobi before me. Life is so unfair.” May isa din netizen na rare umano ang video na inupload ng Korean boyband na BTS. Ayon dito, “A rare video of Hobi with Paolo Contis sleeping.”

Source: Paolo Contis Instagram

Ayon naman sa gumawa ng sculpture ay hindi si Paolo Contis ang inspirasyon nito at hindi nito ito ginaya sa hitsura ng aktor. Ito ay self portrait umano ng artist na si Ron Muek na gumagawa ng artworks na nag “demonstrates the subtle play of realities that characterize his work.” ito ay mula sa Museum of Fine Arts sa Houston Texas. Ang artwork ay tinatawag na, “Mask II”.

Source: Paolo Contis Instagram

Matatandaan na kamakailan lamang ay nagkaroon ng kontrobersya na umikot sa hiwalayan ng mag-asawang Paolo Contis at LJ Reyes. Naglabasan nang mga panahon naiyon ang iba’ ibang memes tungkol sa kanilang hiwalayan at ang sinasabing third party nito. Bagamat walang official statement sa panig nito ay hindi na rin bago ang ganitong nga isyu sa nagasawang nasa showbiz.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naalala Niyo Pa Ba Si Krista Ranillo, Proud Mom Na Pala Siya Sa Kaniyang Apat Na Chikiting

Maantig sa Kwento ng Isang Matandang May Kapansanang Matiyagang Naglalako Kahit Na Mga Kamay Ang Gamit sa Paglalakad!