in

Naalala Niyo Pa Ba Si Krista Ranillo, Proud Mom Na Pala Siya Sa Kaniyang Apat Na Chikiting

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilalang §exy actress na si Krista Ranillo, masaya bilang mom sa kanyang apat na chikiting. Kung matatandaan ay dating naging kontrobersyal ang pag-alis ni Krista Ranillo sa showbiz. Bagamat ikinalungkot ng ibang fans nito ay masaya naman sa naging desisyon ang §exy actress.

Source: Krista Ranillo Instagram

Anak ng kilalang aktor na si Mat Ranillo III at Gloria Sevilla si Krista. Pamangkin din si Krista ni Suzette Ranillo. Kaya naman ay simula pagkabata ay may koneksyon na ito sa showbiz.

Tulad ng ibang showbiz personalities ay nagsimula sa simpleng roles si Krista. Subalit kalaunan ay nagdesisyon ito na tahakin ang pagiging $exy actress.

Source: Krista Ranillo Instagram

Nafeature siya sa ilang $exy magazines at nang makakuha ito ng fans ay naging booming ang karera nito. Napabilang din sya sa FHM at Maxim.

Nakatrabaho din nito si people’s champ sa pelikula na Wapakman, at dito naman lumabas ang kontrobersya na may relasyon ito sa boksingero na noong panahon na iyon ay may mga anak at asawa na.

Source: Krista Ranillo Instagram

Noong 2010 ay nagpasya naman si Krista na iwanan ang karera sa showbiz. Sa taon din na ito ay nagpakasal si Krista kay Nino Jeffrey Lim sa Long Beach California. Si Nino Jeffrey Lim ay CEO ng supermarket chain na Island Pacific at pumasok din sa listahan ng San Francisco Business times na “40 Under Forty”.

Source: Krista Ranillo Instagram

Ang supermarket chain ay mayroon mahigit sampung branches sa Amerika. Nabiyayaan naman sila ng apat na anak na sina Nat, Nolan, Natalie at Nash. Kasama din ni Krista ang kanyang ama na si Mat Ranillo sa Amerika. Bagamat iniwan niya ang kasikatan dito ay Pilipinas ay natagpuan naman ni Krista ang kanyang kaligayahan sa Amerika kapiling ang kanyang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Gwen Zamora, Makikitang Masaya Sa Piniling Buhay Sa Probinsya Kasama Ang Kaniyang Pamilya

Paolo Contis, Trending Sa Twitter Dahil Sa Isang Sculpture Na Kamukha Niya