in

Dating GMA Reseacher Na Si Raine Cruz, Isa Ng Guest Ring Announcer Ng WWE Sa Las Vegas

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa buhay ng tao, isa ang pangarap sa mga dahilan kong bakit marami ang nagpupursige at patuloy na nakikipag sapalaran. Nagbibigay ng pag-asa ang mga pangarap kahit na subrang hirap ng buhay lalo na ngayong panahong ito. Sa pag abot ng pangarap marami kang madadaanang pag subok na siyang magiging tulay upang mas matuto at malaman mo ang tunay na kahulugan ng buhay.

Tulad ng kwento ng pangarap ni Raine Cruz na dating GMA researcher na pinangarap lang noon ang maging isang ring announcer at dahil walang impossibleng mangarap, natupad ang kaniyang pangarap at siya nga ay naging isang guest ring announcer sa WWE sa Las Vegas.

Source: Raine Cruz

Once in a lifetime experience para kay Raine ang maging parte sa WWE, pangarap niya lang raw niya ito noon at nais din niyang maging manager o reporter ng WWE sa kaniyang pag balik.

Parte ng buhay ang pagsubok at kabiguan sa pagkamit ng pangarap, ngunit hindi ito dahilan upang hindi magpatuloy sa pag abot nito, kaya hindi rin na kaligtas sa kabiguan si Raine, ito ay nang ma kansela ang kaniyang event noon.

Source: Raine Cruz

Ito ang mga naging pahayag ni Raine,
“We drove four hours to get that event so i asked the promoter if there’s anything else that i can do. He said, ‘well we don’t have a ring announcer’. So i volunteered and little did i know, it was actually something that i can do and i loved it.”

“And the rest , like they say, is history”

Sumali sa isang tiktok contest si Raine bilang isang WWE Ring announcer at nang manalo ito ay doon na nag simula ang lahat.

Source: Raine Cruz

Ito pa ang isa niyang pahayag tungkol sa kaniyang pag sali sa tiktok contest,
“One of my friends saw the contest online and sent it to me because he knew that my dream is to work for WWE. I joined the contest because i knew it was my shot to show WWE what i can do. They had never done ring announcer contest so i knew it was my opportunity for me to put myself out there and pray to God that somehow, someway they’ll notice me.”

Kaya nang manalo ito sa nasabing contest ay di mapaglagyan ang tuwa ni Raine at ito ang naging tulay upang maabot niya ang kaning pinapangarap na maging isang WWE ring announcer.

Source: Raine Cruz

Ika ni Raine ng manalo ito, ” I literally fell down on my knees ang started crying. How it possible for me to win? I couldn’t believe it. My husband saw me and was wondering what happened, and when he found out, he gave me a big kiss and a hug. He knew how much this contest meant to me.”

“To be honest, i still can’t believe that it happened! It’s such an unbelievable experience!”

Ang kwento ni Raine sa pag abot ng kaniyang pangarap ay isang napaka gandang halimbawa upang maging isang inspirasyon para sa marami. Wag mawawalan ng pag asa dahil kalakip ng pagpursige at tiyaga ay ang pagtupad ng iyong mga minimithi.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Licensed Professional Teacher Mas Piniling Maging Waiter Sa Kuwait “I’ve swallowed all my pride”

Gwen Zamora, Makikitang Masaya Sa Piniling Buhay Sa Probinsya Kasama Ang Kaniyang Pamilya