in

Komedyanteng Si Mosang Ng Pepito Manaloto, Inaming 28 Years Old Ang Lalaking Nagpapatibok Ng Kanyang Puso

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nag-umpisa ang karera ni Maria Alilia Bagio sa totoong buhay o mas kilala bilang si Mosang sa showbiz bilang si Yaya Caring sa drama series na ‘Esperanza’ at bilang si Doray sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ ng ABS-CBN network na ipinalabas noong 2000. At mas lalo naman siyang kilala ngayon bilang si Aling Baby sa regular TV sitcom ng GMA Network na ‘Pepito Manaloto’.

Kamakailan lamang sa naging panayam nina Iya Villania at Camille Prats sa kanilang TV show na ‘Mars Pa More’ kanilang napaamin ang komedyanteng si Mosang tungkol sa buhay pag-ibig nito. Ayon dito ni Mosang, may nagpapakilig raw sa kanyang buhay ngayon at limang taon na raw sila nito.

Noon lamang ding September 29 sa isang episode ng morning show na ‘Pasabog na Chika’, naging guest ang komedyante kasama si DJ Durano. Sa episode na ito kailangan nilang masagot ang lahat ng mga tanong bago pumutok ang lobo. Dahil sa tension ng laro kinailangan ni Mosang na sagutin ang tanong kung mayroon nga ba talagang nagpapakilig sa kanya ngayon.

Sabay sagot naman nito ni Mosang na ang, “Jowa ko na 28 years old” kasabay ng kanyang malakas na tawa. Ipinaliwanag din naman niya ang kanyang naging sagot pagkatapos ng kanilang naging laro. Ayon kay Mosang, ay masaya at kinikilig daw siya ngayon dahil sa kanyang non-showbiz boyfriend na hindi niya pinangalanan.

Dagdag pa niya, malayo umano ang agwat nilang dalawa ang kanyang kasintahan ay 28-taong gulang pa lamang samantalang siya naman ay 49-taong gulang na. Ngunit kahit malayo ang kanilang edad sa isa’t-isa hindi naman ito naging hadlang sa kanilang pag-iibigan dahil umabot na umano sila ng limang taon.

Kwento pa ni Mosang, “Parang Robin Padilla yun e, yung mga hugot l𝔦nes na natatawa ako. Pag minsan, mag-uusap kami sasabihin ko, Oh Babe, kumusta ka? Saan ka? Sasabihin niya, andito sa puso mo! May mga pa-ganun ganun.”

Dagdag pa nito, ay huling-huli daw ng kanyang kasintahan ang kanyang kiliti at kahit na komedyante siya ang kanyang nobyo daw ang nagpapatawa kapag sila ay magkasama.

Aniya pa, “He’s a funny guy. Kahit alam niyang komedyante ako, siya ang nagpapatawa sa akin most of the time. Yung Robin Padilla na ugali, yun.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sophie Albert At Vin Abrenica, Masayang Ibinahagi Ang Binyag Ng Kanilang Cute Na Anak Na Cute Na Si Baby Ava

Isang Licensed Professional Teacher Mas Piniling Maging Waiter Sa Kuwait “I’ve swallowed all my pride”