in

LoveLove

Sophie Albert At Vin Abrenica, Masayang Ibinahagi Ang Binyag Ng Kanilang Cute Na Anak Na Cute Na Si Baby Ava

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Matapos maipanganak ang panganay na anak ng celebrity couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica ngayon naman ay kanilang ibinahagi ang mga naging kaganapan sa pagiging isang ganap nitong kristiyano.

Source: Sophie Albert Instagram

Kilala ang couple bilang mga mahuhusay na aktres, modelo at endorser sa showbiz industry. Noon lamang Disyembre ng nakaraang taon ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement na ginanap mismo sa beach house nila Sophie sa Batangas. Ilang buwan lamang din ang nakalipas ng ipinanganak ni Sophie ang kanilang nakapa-cute at napakaganda nilang anak na si Baby Avianna Celeste.

Source: Sophie Albert Instagram

Makalipas ang panahon nakapagpatayo na rin ang dalawa ng sarili nilang bahay, kaya naman ngayon ang binyag naman ng kanilang anak ang kanilang naging priyoridad. Talaga nga namang napaka-cute tingnan ni Baby Ava sa kanyang puting damit na tila isang anghel. Hindi maikakaila na naman niya sa kanyang mga magulang ang kanyang natatanging kagandahan.

Source: Sophie Albert Instagram

Nagbahagi si Sophie sa kanyang Instagram ng mga kuhang larawan kung saan makikitang masaya ang kanilang pamilya sa naging kaganapan ng binyag ni Baby Ava. Ito naganap noon lamang Setyembre 14, 2021, na dinaluhan ito ng kanilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.

Source: Sophie Albert Instagram

Hindi rin mawawala sa eksena ang kuya ni Vin na si Aljur kasama ang panganay na anak nitong si Alas. Ayon kay Sophie, matagal na umanong nakaplano ang binyag ng kanilang anak nang dahil nga ilang beses ng community quarantine ang Metro Manila kaya hindi ito natuloy-tuloy.

Source: Sophie Albert Instagram

Kaya naman ngayong natuloy na ay masaya nilang ibinahagi sa kanila mismong YouTube channel ang buong kaganapan. Makikita dito ang masayang pagdalo ng kanilang pamilya at mga kaibigan. Pati na rin ang mga pagkain na kanilang pinagsaluhan at mga giveaways na magnet na kanilang masayang ipinamahagi. Proud parents naman sina Sophie at Vin sa panibagong milestone ng kanilang anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Paolo Ballesteros, Trinansform Ang Sariling Bahay Na Isang Malaking Regalo!

Komedyanteng Si Mosang Ng Pepito Manaloto, Inaming 28 Years Old Ang Lalaking Nagpapatibok Ng Kanyang Puso