in

OMGOMG CuteCute AngryAngry LoveLove

Paolo Ballesteros, Trinansform Ang Sariling Bahay Na Isang Malaking Regalo!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Iba talaga ang pasko sa Pilipinas. Bagamat malayo pa ang pasko ay marami sa atin ang nagsisimula nang magdiwang nito. Ang mga tugtuging pang pasko ay maririnig na sa radio at jeepney. Ang iba ay Setyembre pa lamang ay nakatayo na ang Christmas Tree.

Source: Paolo Ballesteros Instagram

Sa Kapuso celebrity naman na si Paolo Ballesteros na kilala sa kanyang make-up transformations, ay ipinadama na niya ang pasko sa Antipolo. Sa pagkakataon na ito, ay hindi make-up transformation ang ibinahagi ni Paolo kundi house transformation. Nilagyan ng Eat Bulaga host ang kanyang bahay ng malaking golden ribbon na parang isang malaking regalo.

Source: Paolo Ballesteros Instagram

Ibinahagi ni Paolo ang larawan ng kanyang bahay sa kanyang Instagram post na nilagyan nito ng caption na, “Merry Christmas na sa Antipolo, Dabarkads!” at may dagdag na, “Gold na siya ngayon!” sa gabi ay kitang-kita sa malayo ang golden ribbon na nakapuplupot sa bahay nito. Dagda grin sa effect nito ang magagandang outdoor lights na nakapaligid sa bahay.

Source: Paolo Ballesteros Instagram

Maliban sa galing nito sa pagma-makeup ay sinigurado din ni Paolo na ramdam ang Christmas spirit sa kanilang bahay at neighborhood. Talagang ineffortan nito na isakto sa Christmas theme ang kanyang bahay. Agad naman nagkomento ang mga malalapit na kaibigan ni Paolo sa showbiz tulad nina MJ Lastimosa, Pauleen Luna at Maja Salvador.

Source: Paolo Ballesteros Instagram

Bagamat agaw pansin ang decoration ni Paolo ay hindi ito ang unang pagkakataon na sinabay ni Paolo ang dekorasyon ng kanyang bahay sa paparating na holiday. Last year ay ginawa rin nitong malaking regalo ang kanyang bahay sa pamamagitan ng paglagay din ng malaking Red bow. Gumamit din siya ng red poinsettia bilang Christmas garland sa buong bahay nito noong nakaraang taon.

Source: Paolo Ballesteros Instagram

Ang bahay ni Paolo ay mula sa kanyang pagsisikap sa industriya. Ang napakagandang bahay na ito ay modern tingnan at dinesenyo ng kilalang architects na sina Gerald Torre at Lyra Tobias. December 2017 nang nagsimula tumira dito si Paolo kasama ang kanyang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

James Reid, Muling Ibinebenta Ang Kanyang Mansion Na May Halagang P82-M Na Dating P100-M

Sophie Albert At Vin Abrenica, Masayang Ibinahagi Ang Binyag Ng Kanilang Cute Na Anak Na Cute Na Si Baby Ava