in

CuteCute

James Reid, Muling Ibinebenta Ang Kanyang Mansion Na May Halagang P82-M Na Dating P100-M

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Muli na naman naibalita ang planong pagbenta ni James Reid sa kanyang mansion sa Loyola Grand Villas sa Quezon City. Sa kanyang personal Instagram account ay ipinakita ni James ang mga kuha ng kanyang bahay sa Quezon City. Nafeature dito ang iba’t ibang parte ng bahay ni James Reid, tulad ng kusina, dining area, sala, kwarto, Jacuzzi at iba pang espasyo sa bahay.

Nilagyan naman ito ni James ng caption na, “My house is for sale! Loyola Grand Villas, Katipunan. Slide for more pics. Contact my assistant Penelope for more details on +63 927 836 9466.”

Hindi na bago ang balitang ibinebenta ng record producer-actor ang kanyang bahay. Simula kasi nang magkahiwalay sila ng kanyang long-time girlfriend and love team na si Nadine Lustre ay nagpahayag na si James na ibebenta nito ang kanyang bahay. Mula 2020 ay ibinahagi na nito sa publiko na for sale ang kanyang bahay.

Ang kabuong bahay ay nilagyang ng value sa tumatagingting na P82 Million pesos. Noon ay ibinebenta ni James ang kanyang bahay sa halagang P100 Million pesos subalit dahil nasa kalagitnaan ng pandemya ang buong mundo ay hindi naging madali ang pagbenta rito lalo na sa asking price ng actor. Ngayon ay muli na namang ibinalita ni James sa publiko na for sale ang kanyang bahay at binabaan ang presyo sa P82 M.

Sa ngayon ay napopokus si James sa kanyang music career at pino-promote ang kanyang latest music video na “Para Sa Mga Ex.” Nilagyan ito ni James ng caption na, “Zac Tabudlo’s Official Music Video for ‘Para Sa Mga Ex’ is out at 8pm tonight! Starring sad boy James. Thanks for traumatising me @zack.tabudlo. Congrats brotha!” at mayroon itong #JamesReidParaSaMgaExMV.

Bagamat abala ito sa bagong kabanata ng kanyang career ay marami pa rin ang namimiss makita ang actor sa telebisyon. Mas nakilala kasi si James sa kanyang acting career at saka na lamang umusbong ang music career nito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ma-amaze Sa Buhay Ngayon Ng Dating Child Star Na Si Super Inggo “Makisig Morales”

Paolo Ballesteros, Trinansform Ang Sariling Bahay Na Isang Malaking Regalo!