Isa sa mga hinangaan noon ang child star ng ABS CBN Network na si Makisig Morales dahil sa pagpakitang gilas nito sa isang reality show na Little Big Star. Sa edad na limang taong gulang ay nakipagsapalaran siyang sumabak sa isang singing contest. At dahil sa napakabibo at karisma nito ay nakitaan siya ng magandang potensyal kaya isinabak siya sa aktingan at bumida sa isang fantaserye na Super Inggo taong 2006 hanggang 2007 sa ABS-CBN Network.

At dahil sa maganda at mahusay ang mga naging performance nito ay naging maganda din ang takbo ng kaniyang career at sumikat ito ngunit taong 2014 biglang tumigil sa showbiz si Makisig dahil sa napag desisyunan ng kaniyang pamilya na manirahan sa Australia.

Isang napakagandang bansa ang Australia at manghang-mangha ang kaniyang mga magulang kaya dito naisipan ng kaniyang mga magulang na magmigrate at may maganda ng buhay sa Australia ang pamilya ni Makisig dahil sa may negosyo silang Online food delivery.
Isa ng 24 years old si Makisig ngayon at kasal narin siya ng halos dalawang taong sa isang Half Australian-Filipina na Beauty queen, sa katunayan ay isa sa mga kasali sa Miss Earth Australia taong 2017 ang misis ni Makisig na si Nicole Joson.

Ayon naman sa kanila ay hindi naman daw sila nakakalimutan ang mga kaugalian ng mga Filipino tulad ng pagmamano at pagsabi ng po at opo kahit na wala sila sa Pilipinas. At ayon rin sa kanila sa isang panayam ng “Push” sa kanila ay nais na raw nilang magkaroon ng baby pero mas bibigyan muna nila ng priyoridad ang pagpapatayo ng sariling bahay.
Ito ang mga naging pahayag nila,
“We are thinking about building a family na, ang napag-isip isip namin is kuha muna ng bahay para after ng house magaan gaan po kahit papaano pag may baby.”

“Ang gusto talaga ni Nicole ay big Family din, ang sa akin naman kung ilan gusto niya, the more the merrier.”
Ito naman ang kaniyang pahayag patungkol sa sitwasyon nila sa Australia ngayong may p@ndemyang kinakaharap ang mundo. “Naka survive naman kahit ceased lahat ng work at business. May support naman na binibigay ang government lalo sa mga area na may lockdown. Pero before mag lockdown ay nakapagwork pa kami. Nag stop lang muna ulit dahil nag spike ulit yumg number ng may C0vid.”

At ngayon ay na isipan narin nilang magvlog dahil sa gusto ng kaniyang mga fans ng update sa buhay niya sa Australia.
Comments
Loading…