Ang maging isang solo parent ay mahirap lalo pa’t kung wala kang tanging inaasahan kundi ang iyong sarili upang buhayin ang iyong pamilya. Kaya naman lahat ay gagawin ng isang magulang upang maisakatuparan ang kanyang pangarap para sa kanyang mga anak. Tulad na lamang ng isang single mom na nagbahagi sa social media ng kanyang naging success stories para sa kanyang mga anak.

Ito ang kwento ng kinilalang si Wendee Arriesdago, na mag-isa na lamang na tumatagayod sa kanyang mga anak. Ayon kay Wendee, noong una ay Php200,000 lamang ang kanyang naging initial funds para sa pagpapagawa niya ng kanilang bahay. Espesyal di-umano ang bahay na kanyang pinapapagawa dahil hindi galing sa pangungutang ang naging konstruksyon nito. Ito galing sa kanyang pagiging madiskarte sa pera at dahil na rin sa kanyang pagtitipid upang makaipon ng malaking halaga.

Pero ang naging pondo ni Wendee sa pagpapagawa ng bahay ay hindi naging sapat, kaya upang mapondohan uli ang kanilang ‘dream house’ nagsumikap siya sa pagtatrabaho upang maipagpatuloy ang pagpapagawa nito. Hindi basta-basta sumuko si Wendee sa pagpapagawa ng kanilang pangarap na bahay. Mas lalo siyang naging madiskarte sa paghahanapbuhay para lamang hindi matigil ang pagpapagawa niya ng kanilang bahay.

Kaya naman mensahe ni Wendee para sa mga katulad niyang nagpapatayo ng bahay, ay mas maiging planuhin umano ng mabuti at i-monitor ng maayos ang mga gastusin upang hindi umano kapusin sa budget ang pagpapagawa. Dagdag pa niya, ugaliin din daw na gawing lifestyle ang pagtitipid upang masiguro na matatapos ang pinapangarap na bahay.

Sa kabila ng kanyang pagiging single mom nakakamanghang nagagawa pa rin ni Wendee na pagkasyahin lahat ang kanilang mga pangangailangan kahit pa na may bahay siyang pinapagawa. Tunay ngang inspirasyon ng maraming Pilipino ang kasipagan at determinasyo ni Wendee upang matupad lamang ang kanilang ‘dream house’ para na rin sa kanyang mga anak.

Comments
Loading…