in ,

Isang Milyonaryo, Hinangaan Ng Buong Mundo Nang Ipamigay Niya Sa Mga Mahihirap Ang Kanyang Yaman

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa daming hindi magandang nangyayari sa Mundo, marami na rin ang mga taong nagpapakita ng kabutihan at malasakit sa mga taong may malaking pangangailangan, maraming programa ang mga napapanood na nagbabahagi ng ibat-ibang uri ng kwento ng kahirapan at marami ang nag-aabot ng kanilang mga tulong. Dahil sa mga bagay na ito ay may mga buhay na nababago at may mga taong nagiging inspirasyon ng marami upang magpatuloy sa buhay sa kabila ng sobrang kahirapan.

Tulad nalang ng isang lalaking nagviral ng ilang beses dahil sa kaniyang nakakahanggang ginawa, siya ay si Ali Banat isang milyonaryo, Pebrero 16, 1982 siya ipinanganak sa bansang Australia at talagang mayaman na ito bata palang dahil isa siya sa nag mamay-ari ng Security and Electrical Company at kilala ang ito sa larangan ng Business.

Isa sa masasabing maswerte si Ali dahil bata pa talaga siya ay maganda na ang kaniyang buhay, marami silang negosyo, ari-arian at kompanya sa ibat ibang panig ng mundo. Isang natural na mayaman si Ali kung titingnan dahil sa kaniyang pananamit at suot na mga alahas, relo at sasakyan. Sa kaniyang estado sa buhay ay lahat ng kaniyang nanaisin ay talagang kaya niyang mapa sakanya.

Ngunit sa isang malungkot na banda ang kayamanan niya ay pwedeng maging pang habang buhay pero ang kaniyang buhay ay may limitasyon. Napag-alaman na may malubhang sakit si Ali na Cancer at nasa stage 4 na ito at kahit anong oras ay pwede na siyang bawian ng buhay. Hindi na niya ginustong mag-aksaya ng oras upang magpagamot kahit na kaya niya namang magbayad para sa kahit anong uri ng pagpapagamot dahil mayaman siya pero pag-aaksaya lang ito ng oras para sa kaniya.

At napagtanto niya na sa halos 30 taon niyang nabubuhay, wala man lang siyang nagagawang tumatak sa mga tao na may kapakipakinabang kaya naisip niya na gamitin ang kaniyang yaman upang tumulong sa mga nangangailangan at magbahagi sa mga mahihirap at nag benta rin siya ng mga ari-arian upang ibigay sa charity at muslim organization, ito ang kaniyang ginawa sa mga oras na may lakas pa siya at kaya niya pa bago siya mawala.

Nagawa rin niyang libutin ang bansang Africa na alam nating isa itong napakahirap na bansa. Nagbahagi din siya rito ng tulong, nagpatayo siya ng hospital, paaralan at nagbigay rin siya ng mga bagay na mapapakinabangan ng mga tao sa kanilang pang araw-araw. Naisip ni Ali na ang pagkakaroon niya ng karamdaman ang nagmulat sa kaniya kung ano ang tunay na laro ng buhay. At ang yaman ay isa lamang kasangkapan upang makapagbahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Jericho Rosales at Asawang Si Kim Jones, Namigay Ng Ayuda at Pabahay Sa Mga Apektado Ng Bagyong Ulysses

Isang Security Guard Ang Nabiyayaan Ng Kotse, Matapos Nitong Magbiseklita Ng Halos 5 Kilometro Upang Maisauli Ang Wallet Na Napulot