in ,

LoveLove

Isang Security Guard Ang Nabiyayaan Ng Kotse, Matapos Nitong Magbiseklita Ng Halos 5 Kilometro Upang Maisauli Ang Wallet Na Napulot

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ngayong panahon ng pandemya maraming tao ang nakakaranas ng kahirapan kung kaya’t kahit na mahirap ang buhay sinisikap pa rin natin ang gumawa ng kabutihan sa ating kapwa. Kagaya na lamang ng pagtatrabaho ng marangal sa kabila ng kagipitan sa buhay.

Bibihira na lamang ngayon ang makakita ng mga taong nagiging matapat sa kanilang kapwa. Sila ang mga taong may kabutihang-loob na hindi pansariling interes lamang ang iniisip kundi ang kapakanan ng iba.

Source: Facebook

Tulad na lamang ng isang Security Guard na mula sa Waieh, Hawaii na si Aina Townsend. Kahit na kahirapan sa buhay ang kanilang nararanasan hindi man lang pumasok sa isipan ni Aina na itago at gamitin ang perang laman ng pitakang kanyang napulot. Ang naturang wallet na ito ay pagmamay-ari ng kanyang customer, kaya naman ng mapulot ito ni Aina agad niya itong ibinalik sa may-ari. Gamit ang kanyang bisikleta siya ay nagbisikleta siya ng 5 kilometro upang makarating lamang sa bahay ng may-ari ng pitaka.

Samantala, ang mag-asawang Chloe Marino at Gray, ay nagtataka naman kung bakit may kumakatok sa kanilang pintuan na tila nagmamadali. Kaya laking gulat na lamang nila sa pagbukas nila sa kanilang pintuan ay hawak-hawak ni Aina ang pitakang pagmamay-ari nila.

Source: Facebook

Ayon sa may-ari ng pitaka na si Chloe, namamadali umano siyang mag-grocery ng mga oras na iyon at ng makabayad na daw siya ay hindi niya namalayan na naiwala na pala niya ang kanyang pitaka. At dahil na rin karga-karga pa niya ang kanyang 5-buwan na sanggol kaya hindi niya talaga ito namalayan.

Kaya naman si Aina ay walang bahid ng pag-aalinlangan niya itong isinauli sa may-ari. Ang kanyang kabutihang nagawa ay tunay ngang kahanga-hanga kaya labis ding nagpapasalamat sa kanya ang mag-asawa. Dahil dito, ibinahagi ni Gray ang kabutihang nagawa ni Aina sa kanyang facebook account kung saan mayroon siyang isang kaibigan na si Greg Gaudget na humanga din sa matapat na security guard.

Source: Facebook

Upang mabigyan si Aina ng parangal gumawa sila ng fund raising ito ang ‘GoFundMe Campaign’ upang makaipon ng $5,000 para maregaluhan nila si Aina ng isang second hand na kotse bilang kanyang gantimpala. Ngunit, ang kanilang nais na $5,000 ay umabot ng $23,000 na humigit sa kanilang inaakala, kaya labis din ang kanilang pasasalamat sa lahat ng taong tumulong para kay Aina.

Tunay ngang nabibigyan ng isang magandang gantimpala ang mga taong gumagawa ng kabutihan sa kanyang kapwa. Nawa’y magsilbing aral ito sa lahat ng tao na mas maigi ang gumawa ng kabutihan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Milyonaryo, Hinangaan Ng Buong Mundo Nang Ipamigay Niya Sa Mga Mahihirap Ang Kanyang Yaman

Isang Single Mom, Masayang Ibinahagi Na Nakapagpatayo Siya Ng Kanilang Dream House