in

Sulyapan At Kilalanin Ang Naggagandahan At Artistahing Anak Ni Mariz At Ronnie Rickets

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga batikang aktor noon si Ronnie Rickets o Ronald Naldo Rickets sa totoong buhay, naging isang matinee idol rin siya sa kaniyang panahon noong 90’s. Maganda ang takbo ng kaniyang career sa showbiz dahil sa magaling siyang aktor.

Source: Instagram

Dating isang martial artist at modelo si Ronnie bago pa ito tahakin ang mundo ng showbiz, dahil sa galing at husay nito sa pag-arte ay nakitaan na agad ito ng potensyal bilang isang successful actor kaya naman naging action star ito. Ang misis ni Ronnie na si Mariz ay isa ring aktres at hanggang ngayon ay aktibo parin naman sila sa larangan ng showbiz. Ang kantang Kasalanan ba, Iyong iyo at Paano Ba Kita Makakalimutan ay ilan sa mga kantang pinasikat ni Mariz.

Source: Instagram

Halos magtatatlong dekada nang kasal ang dalawa, December 18, 1993 ikinasal sina Mariz at Ronnie at hanggang ngayon ay may masaya at matatag na pagsasama ang kanilang pamilya.

Source: Instagram

At kung usapang pamilya at mga anak naman ay talagang mapalad ang mag-asawa dahil biniyayaan sila ng dalawang napakagandang anak na babae na sina Raechelle Marie at Marella Rosabelle na ngayo’y pinagkakaguluhan sa social media dahil sa mga malaartistahin nitong itsura.

Source: Instagram

Tila isa sa mga anak ni Mariz at Ronnie na si Raechelle ang gustong sumunod sa yapak nila dahil pinasok narin ni Raechelle ang mundo ng showbiz, ngunit hindi daw naging madali nung una dahil sa nahirapan ito sa dami ng drama scene pero kinaya niya ito dahil sa suporta at gabay na ibinigay sa kanya ng kaniya mga magulang na kapwa ito rin ang mga trabaho.

Source: Instagram

Marine Biologist ang nais na profession ni Raechelle, mahilig itong mag bisikleta na isa sa kaniyang work out routine at may kunting kaalaman rin sa martial arts na kong saan ay hilig ng kaniyang ama.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang 15 Taong Gulang Na Bata, Nagbahagi Ng Ayuda Galing Sa Kanyang Scholarship Allowance

Jericho Rosales at Asawang Si Kim Jones, Namigay Ng Ayuda at Pabahay Sa Mga Apektado Ng Bagyong Ulysses