in

Jericho Rosales at Asawang Si Kim Jones, Namigay Ng Ayuda at Pabahay Sa Mga Apektado Ng Bagyong Ulysses

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Habang unti-unting bumabangon ang mga Pilipino sa kahirapang dulot ng pandemya, ay abala naman ang mag-asawang sina Jericho Rosales at Kim Jones sa kanilang proyekto na tumulong sa mga kababayan nating apektado ng bagyong Ulysses.

Source: Jericho Rosales FB Page

Sa tulong ng kanilang mga kaibigan ay naitaguyod ng kanilang fund-raising ang proyekto nilang tumulong sa ating mga kababayan. Ibinahagi ni Jericho sa kanyang instagram ang 20 na bahay na ipinapagawa nito sa Cagayan. Ayon dito, “It’s been almost a year since Typhoon Ulysses devastated many parts of our country including Marikina and Cagayan.”

Source: Jericho Rosales FB Page

Dugtong pa ng aktor, “We’re happy to share that with the help of one of the best titas of Manila (@marinezelizalde), our friends too many to mention, and you who donated to the cause, Ulysses Relief Fund were also able to help build 20 houses for 20 families to Project Salinong in Baggao, Cagayan!

Source: Jericho Rosales FB Page

“The recipients are very grateful!”

Marami naman ang bumilib sa pag kawang-gawa ng mag-asawa. Tunay na hindi matutumbasan ang tulong na ibinahagi ng mga ito at marami ang mga pamilya na matutulungan nito. Mapapansin rin ang mga celebrity friends nito na sina Ria Atayde, Ryan Agoncillo, Jason Abalos, Giselle Sanchez at Carmen Soo na nagpaulan din ng papuri sa dalawa.

Source: Jericho Rosales FB Page

Matatandaan na agad na rumesponde ang mag-asawa sa sa mga kababayan natin sa Cagayan nang dumating ang bagyo. Lakas loob silang lumusong at tumulong sa rescue operations ng lugar. Umabot naman sa 3M ang nalikom nila mula sa crowd-funding donations na nagamit naman sa relief operations para sa lugar.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sulyapan At Kilalanin Ang Naggagandahan At Artistahing Anak Ni Mariz At Ronnie Rickets

Isang Milyonaryo, Hinangaan Ng Buong Mundo Nang Ipamigay Niya Sa Mga Mahihirap Ang Kanyang Yaman