Ang pagsasakripisyo ng bawat magulang ay itinutumbas ng mga anak ng labis na kasiyahan. Kung saan ito ang regalo ng isang anak sa kanyang mga magulang na naghirap sa pag-aaruga ng kanyang mga anak. Katulad na lamang ng isang nakakaaliw na eksena ng isang ina na nagdiwang ng kanyang kaarawan na naging mala-game show ang selebrasyon nito dahil ang kanya lang namang mga anak ay niregaluhan siya ng Php1 million.
Kaya naman lahat ay mapapa-wow sa naging bonggang birthday celebration ng isang ina matapos itong bigyan ng kanyang anak ng isang napakalaking surpresa. Nag-viral ang video na ito, kung saan ay may kakaibang pakulong naisip ang mga anak na ito sa kanilang ina. Dahil ang kanila lang namang matinding sorpresa ay ang tumataginting na isang milyong piso in cold cash na regalo nila sa kanilang ina.

Naisipan ng netizen na si Lou na bigyan ng malaking surpresa ang kanilang ina sa kanyang 67th birthday nito. Bilang pasasalamat sa lahat ng mga sakripisyo sa kanila ng kanyang ina noong sila ay mga nag-aaral pa lamang. Naging nakakaaliw ito dahil naging mala TV game show ang dating ng birthday party ng kanilang ina. Mapapanood sa video na pinapipili pa nila ang kanilang ina kung cash ba na Php100,000 o ang surpresang package.

Kaya naman napapasigaw na lamang ang kanilang mga bisita dahil ang surpresang package ang pinili ng kanilang ina. Lahat ay masaya para sa kanilang ina, at animo’y sila ang tatanggap ng regalong naghihintay. Bukod sa isang milyong piso ay mayroon pa itong mga alahas at house and lot na kasama.

Samantala hindi naman makapaniwala ang kanyang ina sa regalong natanggap, dahil pakiramdam ng kanyang ina ay dinaig pa nito ang nanalo sa isang game show.
Saad pa ng kanilang ina, “Para akong binigyan ni Willie Revillame ng pera, house and lot at nanalo ako ng one million! Para akong nanalo sa lotto!”
Kaya naman pagka-pasok ng kanyang ina habang nakatakip ang mga mata nito. Hindi makapaniwala ang kanilang ina sa nakalatag na pera sa kanyang kama hanggang sa sofa ay nilatagan na rin ng pera. At sabay-sabay nilang kinantahan ng happy birthday ang kanilang ina at sinabi naman ni Lou na ‘milyonarya na si Mama!’

Ayon sa kwento ni Lou, lumaki silang hikahos sa buhay dahil natatandaan pa niya tanging suka at dinikdik na luya lang ang kanilang inuulam. Maging hanggang sa eskwelahan ay ginamos at kanin na binalot sa dahon ng saging naman ang kanilang laging baon.
Kaya naman gusto ni Lou na maranasan ng kanilang ina kung paano naman ang maging isang milyonarya dahil sa kabila ng hirap nararapat lang na matamasa naman niya ang karangyaan sa buhay. Dagdag nito, nangarap siya na maabot niya ang kanyang mga pangarap para sa kanyang ina. Sa katunayan ay naisulat pa niya sa kanyang notebook ang kanyang mga pangarap at kabilang dito ay ang maging milyonarya ang kanyang ina.

At bilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo ng kanyang ina, naisipan niyang regaluhan ito ng Php1 million, dahil nais niyang tuparin ang pangarap para sa ina na maging isang instant milyonarya. Pahayag ni Lou, kailanman ay hindi matatapatan ng pera ang sakripisyo ng kanilang ina para sa kanila. Pinasok umano ng kanilang ina ang iba’t ibang trabaho kung saan ginawa nitong umaga ang gabi para lang maitaguyod silang siyam na magkakapatid.
Aniya pa, “Sobrang hirap po ng buhay namin noon kaya sabi ko talaga sa sarili ko, pagsisikapan ko na makapagbigay ng isang milyon kay Mama.”
Kaya naman ng makapagtapos ng pag-aaral si Lou ay walang siyang sinayang na oras hanggang sa pinasok niya ang pagbebenta ng skin care nitong pumasok ang pandemya.

Sabi pa ni Lou, “I want to inspire everybody, na ang pera ay makikita lang po, pero ang kaligayahan ng isang ina ay hindi mo yan masusuklian kahit ano pong bagay.”
Samantala labis na nagpapasalamat ang kanyang ina sa pagkakaroon ng napakabait na anak tulad ni Lou.

Pahayag pa ng ina ni Lou, “Nagpapasalamat ako na meron akong anak na si Lou, na nakatulong sa akin.”
Kaya naman lalong pinagpapala ang mga anak na kagaya ni Lou na marunong tumanaw ng utang na loob sa kanyang mga magulang at marunong magbahagi ng kanyang mga blessings na natatanggap sa buhay.
Comments
Loading…