in

Isang 15 Taong Gulang Na Bata, Nagbahagi Ng Ayuda Galing Sa Kanyang Scholarship Allowance

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon ngayon, kahit na mahirap ang pinagdadaanan ng bawat tao marami pa rin ang mga taong namamahagi ng tulong sa kanilang kapwa kahit sa simpleng paraan lamang. Hindi sukatan ang edad at ang katayuan sa buhay upang makatulong lamang sa ating kapwa.

Ganito na lamang pinatunayan ng 15-taong gulang na bata na si Jarred Gaviola na kaya niyang tumulong sa kabila ng kanyang napakabatang edad. Kahit na hindi sila mayaman nagagawa ni Jarred ang pakikipag kapwa-tao sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong. Si Jarred ay isa lamang Grade 9 student na tumatanggap ng Php3,000 na ‘scholarship allowance’ sa kanilang lugar.

Source: Jarred Gaviola

Kilalang mabait at mahusay na mag-aaral si Jarred sa kanilang lugar, ginamit niya ang kanyang pera upang bumili ng mga pakete ng gatas at kape para sa kanyang gagawin na pamimigay ng mga ayuda. At upang madagdagan ang kanyang mga ipamimigay, nagsagawa siya ng donation drive at kalaunan ay nakalikom ng sapat na halaga upang makapamili pa ng karagdagang gatas, kape, biscuit, bigas at iba pang pangangailangan.

Source: Jared Gaviola

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na tumulong sa kapwa si Jarred, kaya naman marami ding ibang tao ang nag-paabot ng kanilang tulong para maging matagumpay ang pamimigay ng ayuda nito. Umabot sa dalawang daang pamilya mula Brgy. Tunasan at Brgy. Bayanan pati na rin ang mga utility at mga canteen workers sa kanilang paaralan na Muntinlupa Science High School ang naabutan ng tulong ni Jarred.

Source::Jarred Gaviola

Saad ni Jarred, “Para po sa akin, ang edad at estado sa buhay ay hindi po dahilan para di makatulong sa kapwa.”

“It started from my own scholarship allowance.”
“Because for me, there are many people who are hungry and needing food. They need more care as time goes by.”

Dagdag pa niya, “I used my scholarship allowance given by the local government to buy these milk packs and coffee sachets.”

Source: Jarred Gaviola

“And after that i have decided to open my own donation drive so that I can help more people”
“I am a proud scholar of Muntinlupa”.

Kaya naman sobrang saya at proud si Jarred na kahit sa simpleng paraan lamang ay nagagawa niyang makatulong sa kanyang mga kababayan. Kahit na sa murang edad mulat na mulat ang kanyang kaisipan sa mga taong tunay na nangangailangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mga Anak Sinurpresa Ang Kanilang Ina Ng Isang Milyong Piso Sa Kaarawan Nito Na Maala-Gameshow

Sulyapan At Kilalanin Ang Naggagandahan At Artistahing Anak Ni Mariz At Ronnie Rickets