in

LoveLove CuteCute OMGOMG LOLLOL

Bagong Kasal, Hindi Alintana Ang Maputik Na Reception Habang Sumasayaw

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang kasalan ang isa sa mga okasyon n pinaghahandaan ng mabuti sa mahabang panahon. Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng magkasintahan ay nalampasan nito ang nga iyon at umabot sa desisyon na makasama ang isa’t-isa habang buhay.

Ang pagpapakasal ay isang importanteng hakbang sa pagbuo ng pamilya. Maliban sa nakuha ng mga ito ang basbas mula sa kani-kanilang pamilya ay matatanggap din nila ang basbas ng kanilang pagsasama mula sa Diyos.

Source: Facebook

Kamakailan lamang ay nagviral ang kasalan nila Joel Noynay at Rose Jean Pasilan na parehong mula sa Cagbatang Masbate. Bagamat puno ng pag-ibig at saya ang kanilang kasal, ay hindi ito ang naging dahilan bakit hinangaan ng nga netizens ang kanilang desisyon na ituloy ang kasal. Dahil sa pabago-bagong timpla ng panahon ay nagkataon na naging maputik ang kanilang reception.

Bagamat hindi ito parte ng kanilang plano ay ipinagpatuloy pa rin ng mag-asawa ang kasalan at kasiyahan. Hindi alintana sa bagong kasal ang kanilang mapuputik na puting pananamit, at patuloy na ipinakita ang pagmamahalan sa isa’t isa. Umaawit ang kanta ni Mariah Carey na ‘Without You’ sa background at ito ang hudyat ng kanilang first dance. Tuloy ang first dance, at habang nakatitig sa mata ng isa’t-isa ay hindi maiwasan ng nga netizens na humanga sa dalawa. Nagpatuloy sa tradisyonal na event kung saan nagsasabit ng perang papel ang mga bisita sa kanilang pananamit. Nakakakilig at patuloy ang buong pamilya sa pag celebrate ng pagiisang dibdib ng bagong kasal.

Source: Facebook

Nang umagang iyon ay maayos na ginanap ang kanilang kasalan sa simbahan subalit nang dumating ang ulan ay naging maputik ang reception na pagdadausan.

Sa kabila ng pagsubok at balakid na dumating ay hindi naging hadlang ito para sa dalawa at itinuloy ang selebrasyon. Mayroon din kwento ng kasalan noong 2018 kung saan ang kasalan nila Mac Gregor Gaudia at Veronica Frondarina mula San Fernando La Union ay binisita ng humahagupit na bagyo.

Source: Facebook

Sa kasalan naman nina Simeon at Glory Lorente, ay dinagsa ng baha at makikita sa mga larawan na nakalubog ang mga paa ng bagong kasal at kanilang mga bisita. Ang mga ito ay halimbawa lamang ng pagiging matatag ng mga bagong kasal.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Estudyante Na Hindi Nagawang Matapos Ang Board Exam, Nakakamanghang Naging Top 1 Board Passer

Alamin Ang Dahilan Kung Bakit Naging Emotional Si Ai-Ai Delas Alas Sa kanilang Monthsary Ni Gerald